Tuesday, July 30, 2013

The Devil Beside Me Chapter 25 (Special Finale)



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


TDBM Finally reached its end. Hindi ko siguro magagawa ang lahat ng ito kung hindi sa suportang ibinigay niyo sa k’wento ko. I even lost my drive to write dahilan para matagalan ako bago muling masundan ang mga chapters nito pero kahit buwan ang binilang, hindi pa rin kayo nawala mga paps. Salamat talaga ng marami sa suporta niyo.

 Paano, ito na ang huling silip natin sa mga characters na napamahal na rin sa inyo. Sana nga lang ay nagawa ko ng tama ang lahat para kahit sa huling beses, magawa pa rin nila kayong pasayahin. Enjoy reading guys!!!

Lawfer – Salamat sa pagpapa-disturbo mo sa akin sa tuwing kakailanganin ko ang taga proofread. Gumanti ka na lang sa akin sa susunod! Hehe

 Makki – Thank you sa napakagandang cover ng k’wentong ito. Sana sa susunod kong gagawin, makahirit pa rin ako sa’yo ng magandang cover. HAHA

Anonymouse/Silent Readers – Yow guys! Thank you sa pagbabasa ng mga k’wento ko. Hanggang sa uulitin!

 To my 199 Followers –Thank you sa pag-follow! Dumami pa sana kayo! HAHA

 To my Solid commenter’s –SALAMAT NG MARAMI SA PAGPAPALAKAS NIYO NG LOOB KO! KAYO ANG INSPIRASYON KO!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Monday, July 29, 2013

Taking Chances Chapter 07





"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."





Thank You Robert Mendoza, Ryge Stan at Zildjian... Enjoy reading...


Naalala ni Juancho ang tagpo noong lasing si Andrew, ang mga katagang pinagsasasabi nito tungkol sa kanyang ama. Nakuha rin niya kung bakit nababakas niya ang pangingilag dito. Malamang ay epekto ito ng pait na naranasan nito noong kabataan at hindi na nito alam kung paano pakikibagayan iyon. May nadama siyang awa para kay Andrew ng pagsalitaan ito ng ganoon ng sarili nitong ama.


"Halika ka nga rito." Kinabig niya ito at niyakap. Walang pakialam si Juancho kahit na pagtinginan sila ng mga tao. Kung alam lang nito kung gaano kahirap niyang tinaggihan ang tila inaalok nito noong kasayaw niya ito sa party. Lalaki siya na amy damdaming mabilis mag-alab pero hindi niya gusto na hanggang ganoong level lang na may mamagitan sa kanila ni Andrew. 



"You are the sweetest guy I ever know." Hinaplos ni Andrew ang pisngi ni Juancho at tumingin ito sa kanya tila ba masyado itong nasisiyahan sa nakikita. Hindi na tuloy napigilan ni Andrew na dampian ng halik ang mga labi nito kahit sandaling-sandali lang. Noon pa niya gustong gawin iyon. Ilang beses beses na kaya lang sa pagkakataong ito ay hindi na niya knaya pang pigilan ang ang pagnanais na gawin iyon.



Mukhang nagualt naman si Juancho pero hindi naman ata ito nahindik tulad ng dati. Ngumiti pa ito. Mabuti na nga lang at nasa karenderiya sila, kung hindi ay baka kung saan na sila humantong.



"Kain nang kain." Lumayo na si Juancho dito.



Ipagpapatuloy na sana ni Andrew ang pagkain ng tumunog ang kanyang cellphone.



"Ooh... Mommy. How are you?'



"I'm as fine as a hell baby" sagot ng kausap nito.



Alanganing ngumiti si Andrew. Mukhang masyado masaya ang kanyang ina.



"Ikaw ang gusto kong kamustahin. How's life?" pangangamusta nito.



"Kagaya pa rin noong iwan ninyo ako, Si Chelsea? How's she Mommy?"



"She and her bouncing baby boy is fine. Malusog at masigla." tugon ng mommy niya.



"So, when are you planning to come home?" dugtong na tanong ni Andrew.



"Ahmmm... let me see..." ang may pagaalinlangan nito na sagot. Umubo-ubo pa ito.



"Well, hindi naman kita minamadali, just enjoy okay? and give my kiss to my new nephew" bilin nito sa ina.



"You too..." ang sagot naman ng kanyang mommy. "Speaking of enjoying, still no prospect in sight?" Madalas itanong ng kanyang ina  ito kay Andrew na kadalasan ay ikinatitirik nito ng mata.



Sa pagkakataong iyon ay kusang lumipad ang tingin ni Andrew sa lalaking kasalo niya sa pagkain. Nasundan pa iyon ng kakaibang pagkislot ng kanyang puso.



"Mommy alam mo naman na hindi ako naghahanap."



"Alam mo naman na umaasa lang naman ako na tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang drama mo. Ganyan din ang peg dati ng kapatid mo pero look at her now. May apo na ako sa kanya. Tumatanda na talaga ako. Kaya nga rin siguro gustong gusto ko makita kang lumagay na rin sa tahimik" ang sabi ng kanyang mommy.



"Well, I'm not gonna pin my hopes on living happily ever after with someone who would just end up leaving me" sagot niya sa ina.



"Bumusina ka naman anak... Ipinaalala mo pa talaga ang masaklap na karanasan ko" natatawang sagot ng kanyang mommy.



"I've learned from your mistakes, My. At busy ako sa paghakot ng limpak limpak na salapi para pagtando ko ay may ipambabayad ako sa primera klaseng home for the aged."



"Haay... anak, di ka parin talaga nagbabago. At parang nawawalan na talaga ako ng pag-asa na magbabago ka pa" ang sumusukong sabi ng kanyang mommy.



"Marami pa akong gustong gawin at marating mommy."



"Para ano? Maipamukha mo sa magaling mong ama? Iyon pa rin ba ang motivation mo hanggang ngaun?



"What?" natigilan si Andre. Paano nito nalaman iyon? Ni hindi nga siya nagbabanggit dito na pinuntahan nito ang ama sa trabaho.



"Huwag ka kasi mag-diary kung ayaw mong may nakakaalam ng mga sikreto mo," ang sabi nito.



"You read my diary?" Ganun na lang ang pagkahindik niya. "How could you, mommy?"



"Pakalat-kalat eh, di binasa ko" ang natatawang sabi ng kayang mommy. "Pasalamat ka nga at hindi kita kinurot sa singit noong nalaman ko na pinuntahan mo ang iyong ama. Kabilin-bilinan ko iya na huwag mo gagawin iyon at huwag kang umasa sa daddy mo, pero ano? sumige ka pa din. Ano ngayon ang napala mo? Sakit ng kalooban."



"Matagal na iyon mommy."



"Oo, matagal na pero nakikita pa rin na buhay na buhay pa sa dibdib mo ang galit sa kanya. Anak, sa isang banda at natutuwa ako na ginamit mo sa positibong paraan ang galit mo sa kanya pero hindi tama na habang buhay mong ka----"



"Mommy, not now" pigil ni Andrew.




Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. “Oki... doki... baby.. Kinakamusta lang naman kita. Chin up and smile. Life is good.”

Napakunot noo naman si Andrew. Pakiramdam niya na talagang sobrang saya ng mommy niya. “Are you okay?” Hindi na niya napigilang itanong sa kanyang mommy.


Super okay... 'gotta go...”

O, may problema ba?” tanong sa kanya ni Juancho ng ibaba niya sa mesa ang cellphone. “Kunot na kunot kasi ang noo mo eh.”


That was my mother and she sounded way to happy.”


Ito naman si Juancho ang napakunot ang noo. “At masama iyon dahil?”


Pinilit na tumawa si Andrew. “Hindi naman, paranoid lang siguro ako. Ganoon kasi ang mood niya kapag...”

Kapag?” tanong ni Juancho.


Kapag may bagong lalaki sa buhay niya” ang sagot ni Andrew.


Napbuntong hininga si Andrew. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Juancho na kapag may boyfriend ang kanyang ina ay napapabayaan nito ang sarili ng dahil sa lalaki. Dito kasi nito halos ibuhos ang time at kapag naman iniwanan ito ay matagal din itong magmumukmok. Ang masama pa eh nagiging bugnutin ito.


Paunti-unti ay ikinuwento niya iyon sa binata at habang nagkukwento siya ay nananariwa ang pait sa kanyang puso.


I am a grown up now. Hindi na ako isang batang paslit na naghahanap ng kalinga. And don't look at me like that.” sabi niya kay Junacho.


What?” tnaong ni Juancho


I said don't look at me like that Juancho” pakiramdam kasi niya na naawa ito sa kanya. “I hate being pitied.”


Hindi sa kinaaawan ang nararamdaman ko instead nakakabilib ka pa nga eh. Sa kabila ng mga nangyari sa iyo eh hayan ka, naging successful ka. Ewan ko kung konsolasyaon na matatawag iyon” sabi ni Juancho.


Yes, it is.” Sa pagkakataong iyon ay hindi na pilit ang ngiting binitawan ni Andrew. Malay nga ba niya na ganoon siya magiging kapursigido sa buhay.


Nandito lang ako kung... kung kailangan mo ng kaibigan na masasandalan.” Juancho meant every word he said.


Salamat.” Sa pagkakataong iyon ay si Andrew na mismo ang kumuha ng kamay ni Juancho. Naalala niya ang pakiramdam na idinulot niyon kanina, iyon tila ba may napaghugutan siya ng lakas at tunay na may handang dumamay sa kanya. Hindi lang niya iyon nadama ngayon. May kasama iyong nakakakiliting init, init na parang hinahagod ang buong kalamnan niya na parang tumatagos sa kanyang isip at puso. It was weird feeling. Nakakagulat, nakapagtataka, nakakapanibago pero hndi maikakaila ni Andrew na kaaya-aya iyon.

Ikinulong ni Juancho sa dalawang kamay nito ang kamay niya, dahilan upang lalong tumindi ang magkahalong kiliti at init na gumuguhit sa kanyang pagkato.
  

Paaano kung... kung hindi lang kaibigan ang gusto ko? Ang kailangan ko sa'yo?” tanong ni Andrew.


Bahagyang kumunot naman ang noo ni Juancho. “E ano pala?”

Basta.” sagot ni Andrew.


*     *     *     *     *

Alam ni Juancho kung ano ang tinutukoy ni Andrew at nais agad itong tanggihan kaagad ito. Pero dahil sa mga kwento nito ay nagkaroon siya ng mas malinaw na ideya kung gaano kalalim ang sugat sa pagkatao ni Andrew at iyon ay galing pa mismo sa pinakamalalapit dito. Tulad siguro ng mga hayop na laging sinasaktan kaya ilag na ilag itong buksan ang puso para sa iba. Nangingimi siyang tanggihan ito dahil baka makadagdag pa siya sa hapdi at kirot na nararamdaman nito na hindi mahilom hilom sa pagkatao nito.


“You must have had a very happy life” tanong ni Andrew matapos ang medyo mahaba habang katahimikan na namagitan sa kanila.


“Parang ganoon na nga. Simple lang naman kasi ang buhay namin. May mga times na kinakapos din kami, pero masaya naman kami. Minsan isasama kita sa amin para makilala mo ang pamilya ko. Hindi na ako mahihiya na isama sa amin tutal hindi ka naman hinimatay sa pagkain sa ganitong klaseng lugar eh.” sagot Juancho.


“I'd like that.” Natuwa naman si Andrew sa sinabi nito.


Pinagmasdan lang ni Juancho si Andrew. Dati na siyang naakit dito pero buo ang paniniwala niya na walang papatunguhan iyon. Pero ngaun, tila ba habang abala siya sa ibang bagay ay nagawang mag-ibang anyo ng simpleng pagkaakit niya rito. Hindi niya alam kung paano pero napakabilis na nagawa ni Andrew na magkaroon ng puwang sa kanyang puso.


Kagaya ng ipinangako ni Juancho kay Andrew, isinama siya ng binata sa bahay ng pamilya nito sa probinsya. Hindi ito nagsinungalin na simple ang pamumuhay ng mga ito, malapit sa isa't isa.


"Akala ko artista ang kasama mo, anak" sabi ng ama nito. Tatay Mando na lang daw ang itawag ni Andrew dito.


"Higit pa sa artista iyan, 'Tay. Siya ang nagpasikat ng mga modelo na ang iba ay naging artista na."


"Eh, ikaw ba anak, mag-aartista rin? Aba'y ang laki na ng ipinag-iba ng itsura at ayos mo ah. Hindi ka na mukhang promdi," ang sabi naman ng ina nito.



"Hindi pang-astista ang dating ko, 'Nay."


"Ano bang hindi? Nagkakatuwaan nga ang mga taga-rito tuwing makikita sa mga patalastas. Baka akala mo, nahihiya lang ang mga iyan na magpa-autograph sa iyo."



"Mas gusto ko pa din ang totoong trabaho ko," giit ni Juancho. "Iyong pagmomodelo, pansamantala lang 'yon. Saktong pang-impok lang, 'Nay, 'Tay, mapapagawa na natin itong bahay. Gawin nating puro konkreto at nang hindi ganoon katindi ang anay. Gusto ko ring bumili ng pickup para sa inyo, 'Tay."



"Ku, huwag kami ang intindihin mo. Ang pag-iipon para sa kinabukasan mo ang atupagin mo. Di ba, madalas mo ibida noon na kapag nag-asawa ka, gusto mo ay may bahay na agad kayong tutuluyan?" sabi ng ina  nito.


"Eh matagal tagal pa ang paglagay ko sa tahimik. Uunahin komuna kayo," ang sagot ni Juancho.


"Kung sigurado ka na eh, huwag mo nang patagalin," sabi naman ng tatay niya. "Hindi naman sa tagal lang ng pagkakakilala nalalaman kung para kayo sa isa't isa. Kung minsan, unang tingin mo pa lang sa kanya, sigurado ka na agad na iyon na iyon"  wika ng kanyang ama habang nakatingin kay Andrew.


"We're just friends lang po." Mukhang hindi na nakatiis si Andrew kaya nagsalita na ito.


"Ganoon ba?" sabay bulaslas ng kanyang mga magulang.


"Ganoon nga, 'Tay, 'Nay." Pinilit ni Juancho na huwag ipahalata ang panghihina ng kanyang kalooban.


Pagkatapos nilang kumain ay inilibot ni Junacho si Andrew sa bukid at palaisdaan nila. Sa kubong nasa gitna ng palaisdaan sila nagpahinga pagkatapos ng mahabang paglalakad.


"It is so quiet and peaceful here," wika ni Andrew


"Dito ako tumatambay noon kapag tapos na ako sa lahat ng gawain ko." tugon ni Juancho


"I can understand why. and I can also understand now why you didn't want to be a model. Ang layo ng mundong iyon sa buhay mo."



"Barriotic kasi ako," sabi ni Juancho.


"Yeah, but in a really, really nice way," ang sagot naman ni Andrew at humarap kay Juancho.


Hindi na nag-atubili si Juancho, snakop niya ang mga labi ni Andrew. Naramdaman kaagad niya ang pagdaloy ng pamilyar na init sa kanyang pagkatao. Natitiyak niya na hindi simpleng pagnanasa lang ang dahilan niyon. Nakakasiguro siya na kasama na rin ang malalim na damdamin niya para kay Andrew.


"I... I have never been with any guy before.. Not in that way," usal nito.


"I know," nakangiting sabi ni Juancho.


"Really? How..."


"Napansin ko kasi na hanggang salita ka lang. At mabuti naman." Muli ni Junacho kinintilan ng halik ang mga labi ni Andrew. Gusto niyang palalimin pa iyon pero nangangamba siya na mawalan siya ng kontrol. Gusto lang niya na kung may mamagitan sa kanila ni Andrew ay mangyayari iyin sa punto na kahit papaano ay nakuha na niya ang tiwala nito na hindi niya ito sasaktan. Iyan nga lang ang tanong niyan kung kailan pa iyon.


Andrew was yearning for Juancho. Napapantastikuhan lang siya dahil siya pa ata ang atat na atat na may mangyari sa kanila. Isa iyong pangyayari na hindi pa niya nararanasan kahit kailan. Wala nga isa man babae o lalaki ang nakaantig ng kanyang kalooban sa ganoong paraan.


Gusto mainis niyan mainis na si Juancho pa ang aayaw pumatol sa kanya. "Nirerespeto kita." Iyon ang dahilang ibinigay sa kanya before. Napalayo niyon sa ibang mga naghahabol sa kanya na isa lang talaga ang misyon--- ang maikama siya.


He liked being with the guy so much that it was quite scary. Pero hindi rin naman niya magawang palayin ito sa kanyang buhay. Para na rin yata siyang tumigil sa paghinga kapag ginawa niya iyon. Andrew has never been so confused--- and so torn --- in his life.



...itutuloy

Wednesday, July 24, 2013

The Devil Beside Me Chapter 24 (Pre-Finale)



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Alright! Pagkatapos ng halos dose oras kung pakikipagbuno sa chapter na ito, sa wakas nagawa ko rin! This will be the pre-finale of TDBM guys! Akalain niyong sa loob ng halos ilang buwan, matatapos na siya! HAHAHA


Syempre kayo ang dahilan ko kung bakit ko natapos ang k’wentong ito. Dahil sa mga walang sawa niyong pagbabasa at pag-iiwan ng comment ay bumalik ang drive ko magsulat. MAHAL NIYO TALAGA AKO! At mahal ko rin kayo. Kaya para sa inyong lahat ang Chapter na ito! LET’S EXERCISE YOUR IMAGINATION GUYS! TDBM CHAPTER 24!!!


By the way, comment kayo at sana mag-iwan din kayo ng pen name. Anything will do para lang ma-address ko kayo ng mabuti sa mga pasasalamatan ko sa chapter 25 which happen to be the finale!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Monday, July 22, 2013

Taking Chances Chapter 06






"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."






Enjoy reading...


Good morning!" Expected na ni Juancho na hindi siya papansinin ni Andrew kinabukasan kaya hindi na ito nagulat ng dirediretso itong pumasok sa loob ng elevator at hindi man lang siya tiningnan.



Friday, July 19, 2013

The Devil Beside Me Chapter 23



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Salamat sa mga taong ito na nag-iwan ng kanilang komento sa Chapter 19 hanggang chapter 21 ng TDBM ko. Kahit pa man matagal akong nawala ay hindi pa rin kayo nanawang magbasa sa aking k’wento. Kaya naman maraming maraming salamat guys!

Tzekai Balaso, Jerwin Caraang, Bobby Evasco, Brilliance, Mhi Mhiko, ~Makki~, _IamRonald, Chie, Philip Zamora, Raymund Of Bacolod, Jayvin, JheiJhei, Mark Kym, Luilao    , Pat Tagasubaybay, Vampire (Dev Nic), JM Velasco (Cocobar),Mark Lacuesta, Slueshe.love, Philip Aizen, Sullivan Eduardo, Jayvin, Franklin Aviola, Eric John Alfeche, RyanM (Ryan25), Arc, Ronel Bautista Penada, Christian Jayson Agero., Robert Mendoza, Monty, Rheinne, Bon-Bon, JC, Pangs, TwilightMinds. Roan, Lyron Batara, Richie, Russ, JM Fab, Ryge Stan, JayJay, Lawfer (Katanashi), Jhay, Poging Cord, Cyril21Cute, Dexter Perez, Jaspert Paulito at sa ilang Anonymous!


Sa Mga Silent Readers ko naman ay salamat din guys. Siguro ay may mga rason kayo kung bakit di niyo trip mag-comment kaya hahayaan ko na kayo. Sana lang, bago ang huling chapter ay magpakilala ang ilan sa inyo para naman mabati ko kayo sa finale.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



Sunday, July 14, 2013

The Devil Beside Me Chapter 22



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Natapos ko rin ang chapter na ito! Time check 4:17am! Sobrang pagpapahirap talaga ang ginagawa sa akin ng k’wentong ito. Buti na lang at kahit papaano ay malapit na siyang matapos. Pero pero pero!!! Hindi pa tapos ang lahat mga kabagang! May mga pasabog pa ako sa k’wentong ito kaya konting tiis pa. Hihihihi


Di ko na ito binasa pa. Masyado na akong tinatamad na basahin at i-check ang mga typos at maling salitang ginamit ko rito. Bukas na lang iyon. Sa ngayon, basahin niyo na lang muna at sana, ma-enjoy niyo itong chapter.

TDBM CHAPTER 22 GUYS! HAPPY READING AND KEEP THE COMMENTS COMING!

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Saturday, July 13, 2013

Taking Chances Chapter 05






"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."





Thank You.....Zildjian.....Randzmesia.....Brilliance.....Chie.....Ryge Stan.....Robert Mendoza..... Anonymous.....Enjoy reading... 

Tuesday, July 9, 2013

The Devil Beside Me Chapter 21



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Syempre nagpapasalamat ako sa walang sawa niyong pagsuporta sa k’wentong ito kahit pa man, ilang buwan ang itinigal bago ko ito nasundan. Nakakataba ng puso na may mga nagko-comment parin at nag-aabang sa kwentong ito. Masyado niyo talaga akong love. HA! HA!


Seriously, I want to thank you guys. Salamat ng marami sa suporta niyo sa akin. Ang ilan sa inyo ay naging matagal ko’ng tagasubaybay habang may ilan naman na bago at natutuwa ako na hindi niyo ako iniiwan. Rest assured na pagkatapos ng mga pasabog dito ay isang nakakakilig na roller coaster ride naman ang mga susunod para sa ating mga bida.


Thank you rin syempre kay Cocobar sa proofreading kahit masakit ang lalamunan niya. HAHA! At kay Dev Nic na isa rin sa nagpapalakas ng loob ko.

TDBM CHAPTER 21 GUYS! HAPPY READING AND KEEP THE COMMENTS COMING!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Saturday, July 6, 2013

Taking Chances Chapter 04






"In this world we have to take chances, sometimes they're worth it and sometimes they're not, but I'm telling you now, you will never know until you try..."




Thank You!. . . . . Zildjian . . . . . Mark Lacuesta . . . . . Brilliance . . . . . . Swiss na-Miss ko kakulitan mo!



Thursday, July 4, 2013

The Devil Beside Me Chapter 20



Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com


Author's Note:


Surprise!! Himala sa himala hindi ba? Akala niyo siguro isang buwan na naman ang hihintayin niyo bago ko masundan ang chapter 19, no? Syempre ayaw ko na kayong paghintayin pa ng matagal kaya naman heto na siya ang chapter 20 ng TDBM!!!


Ako Si Coco(Bar) - Salamat ng marami sa tulong mo sa akin. Sana habang buhay ka na lang maging matulungin! HAHA


ENJOY READING GUYS AND KEEP THE COMMENTS COMING! Sana ay mapasaya ko kayo sa Chapter na ito!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.