Story Cover Created by: MakkiPotpot
Written by: Zildjian
Email: zildjianace@gmail.com
Blog: ZildjianStories
FB Group: facebook/ZildjianStories
Author's Note:
HAMBAK EARTHLINGS!
Alam kung sobrang napakalaki na ng utang ko sa inyong lahat sa tagal ba naman bago ko na sundan ang chapter 16. Sadya lamang talaga na na-busy ako sa buhay ko kaya hindi ako nakahanap ng pagkakataong makapagsulat. Sana ay maintindihan niyo ako.
Nasabi ko rin sa Chapter 16 note ko na magiging mabilis na ang phasing ng story. In short, isa-isa ko nang ilalantad ang mga twist sa k'wentong ito. So abangan ang pagpapalit ko ng POV. ^__^
At syempre, salamat sa inspiration ko na ubod ng kulit at palaging ginugulo ang pagsusulat ko. HAHAHA (Mao-Mao The Amao!)
At syempre, salamat sa inspiration ko na ubod ng kulit at palaging ginugulo ang pagsusulat ko. HAHAHA (Mao-Mao The Amao!)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Maki Delgado
Gusto ng maduwal ni Maki sa ginagawang paglalambingan sa kanyang likuran ng kanyang karibal at kababatang si Jay habang minamaneho niya ang sasakyan ng huli pabalik sa tutuluyan ng kasama nito; ang kanilang bahay-tambayan.
Oo, tanging si Janssen na lamang ang tutuloy doon dahil sa araw na ring iyon babalik ang mga magulang ni Jay na galing sa isang business trip kaya kailangan na nitong umuwi. Subalit batid niyang gagawa ulit ng paraan ang kanyang kababata para makasama ang taong sa ngayon ay siyang nagmamay-ari dito.
“Hindi mo naman siguro nakalimutan na ngayong hapon darating sina Tito at Tita. Ano ang balak mo?” Pagbasag niya sa walang tigil na lambingan ng mga ito na parang bang wala siya doon.
Sinalubong ni Jay ang kanyang tingin sa rear view mirror ng sasakyan.
“Aayusin lang namin ang mga gamit ni Janssen tapos, pupunta na kami sa bahay.”
Wala ng mas lalamig pa sa tonong ginamit nito at alam niya kung ano ang dahilan niyon. Galit ito sa kanya sa ginawa niyang pagdi-deklara ng kumpitasyon laban sa kasintahan nito. Knowing Jay, ito ang klase ng tao na hindi marunong magkubli ng totoo nitong nararamdaman at iyon naman ang kanyang ikinatutuwa dahil madali niya itong nababasa.
“Kung gano’n, ay hihintayin ko na lamang kayo.” Pambabaliwala niya sa pinapakita nitong ugali. “Ngayon na rin kailangan ni Tito ang reports sa ginawang pag-aani sa bukid niyo.
“Kamusta pala ang naging resulta niyon pare?” Pagsali naman ni Janssen sa usapan. “Nang malaman ko mula rito kay Jay na isinama mo raw siya doon para mamahala ay naging duda na ako sa kalalabasan niyon.”
Hindi niya na nagawa pang masagot ito nang muling magharutan ang mga ito sa likuran sa ginawang pagbibiro ni Janssen lalo na nang mahuli niya sa rearview mirror ang mabilis na halik na ibinigay nito sa pisngi ng kanyang kababata. Kung lambingan lang ay makakaya niyang matagalan pero ang makitang may ibang labing dumadampi sa pisngi ng kanyang kababata ay ibayong paninibugho ang kanyang naramdaman.
Napakapit siya ng mahigpit sa manibela.
‘Pasalamat ka’t nagpapakabait ako ngayon. Pero ito na ang huling beses na hahayaan kitang makadikit sa pag-aari ko.’ Punong-puno ng paninibugho niyang pabulong na naisambit.
Sa bahay-tambayan, ay hindi nahalata ni Janssen na hindi doon tumuloy si Jay sa mga araw na wala ito. Mabilisan rin ang ginawang pag-aayos ng mga ito sa dalawang bagahing dala ng kanyang karibal. Hindi na siya nagtaka pa. Ang kapalit ng pagbabalik nito sa trabaho kahit leave ito ay isang mahaba-habang bakasyon.
Isa rin ngayon sa bumabagabag sa kanya ay kung ano ang magiging desisyon ni Jay patungkol sa pagbabalak nitong iharap sa mga magulang nito ang kanyang karibal bilang kasintahan. Nagulo na niya ang isipan nito at alam niyang may pagdadalawang isip na ito ngayon. Pero kung ang pagbabasehan niya ay ang kanyang nakasanayang ugali ni Jay, nasisiguro niyang ipagpapatuloy nito ang plano nito. Lalo pa’t may gusto itong patunayan hindi lamang sa mga magulang nito kung hindi pati na rin sa kanya.
“Itutuloy mo ba ang binabalak mo?”
Napalingon sa kanya si Jay habang naka-upo ito sa sofa at hinihintay ang kanyang karibal na nagpa-alam na gagamit ng palikuran.
“Alin doon?” Kasing lamig pa rin ng yelo ang tono ng boses nito.
“Ang ipakilala si Janssen bilang kasintahan sa pamilya mo.” Pambabaliwala niya ulit sa panlalamig nito.
“Nangako na ako kay Janssen na oras na bumalik sina Papa at Mama ay ipapakilala ko na siya.”
“Kahit hindi mo pa alam kung talaga nga bang mahal ka niya? Paano kung ang mahal pala ni Janssen ay ang Jay na ipinakilala mo sa kanya through net?” Minabuti niyang himigan ng pag-aalala ang kanyang boses para maka-iwas sa pakikipagtalo na naman dito.
“Ako pa rin iyon Maki. At kahit ano pa ang maging reaksyon ni Janssen kapag dumating na ang oras na malalaman niya ang buong katotohanan, wala na akong pakialam doon. Ang importante, naipakita ko sa kanya na wala akong hindi gagawin para sa relasyon namin.”
Pansamantala siyang natigilan at binigyan ito ng isang hindi makapaniwalang tingin. Ito ba ang Jay na simula pagkabata ay naging kasa-kasama niya? Gano’n ba ka-importante rito ang mapatunayan nito na kaya nitong i-commit at panindigan ang mga desisyon nito? Parang mas gusto pa niya ata ang dating Jay na walang ibang gustong gawin kung hindi ang takbuhan ang lahat ng responsabilidad nito sa buhay.
“H-Hindi ka ba natatakot na itakwil nila Tito?” Ang wala sa sarili niyang naitanong.
Tumingin ito sa kanya ng deretso.
“Walang mali sa pinili kong buhay kaya wala silang rason para itakwil ako. Pero kung sakali nga na hindi nila magustohan ang kanilang malalaman patungkol sa amin ni Janssen, wala na akong magagawa pa doon.”
“Hahayaan mo na lang na mawala sa’yo ang lahat? Bakit? Para lang may mapatunayan ka sa amin? Is that what you’re trying to prove kaya mo ito ginagawa?” Unti-unti nang nawawala ang pagtitimping kanyang ginagawa.
“Prove? Bakit ko kailangang may ma-i-prove sa inyo? I’m doing this for myself Maki. Not for anyone’s sake. Ikaw, ano ang rason mo at ginagawa mo ito?”
Nagtatakang tingin ang ibinigay niya rito.
“Ginagawa ang alin?”
“Why do you have to go this far na pati ang pinaninindigan mo ay kinailangan mong bitawan? Gano’n ka ba ka desperadong mapatunayan sa mga kaibigan natin na hindi ko kayang panindigan ang mga bagay na pinapasok ko?”
“Hindi kita maintindihan Jay.” Ang naguguluhan niyang sabi.
“Ikaw na rin ang nagsabi Maki, imposibleng magkaroon tayo ng relasyon na hihigit pa sa magkaibigan. Araw-araw mo iyang bukambibig simula ng tuksuhin tayo ng mga kaibigan natin hindi ba? At hindi ikaw ang tipo ng tao basta na lamang babaliin ang kanyang pinaninindigan.”
“Are you saying ––”
“You’re doing this on purpose right? Sinasadya mong guluhin ang isip ko para magawa mong manipulahin ang lahat tulad ng palagi mong ginagawa hindi ba?” Nang-aakusa at may himig ng galit na pagputol nito sa kanya.
“Jay…” Parang biglaang nag-shut-down ang kanyang utak. Wala siyang mahapuhap na isasagot para depensahan ang kanyang sarili sa maling interpretasyon nito.
“Mukhang seryoso `ata ang pinag-uusapan niyo, ah.” Biglang sulpot na wika ni Janssen na sinamahan pa nito ng isang matamis na ngiti sa kanyang kababata. “Dapat na ba akong magselos?”
“Nariyan ka na pala. Pinag-uusapan lang namin ni Maki ang patungkol sa reports na ipre-present namin mamaya kay Papa. Ready ka na ba?”
“Yep. Fresh na ulit ako at handa na akong sumalang sa mga magulang mo. `Wag lang sana nila akong gisahin ng sobra-sobra at baka di ko kayanin.” Nakangiti nitong tugon.
“Ikaw talaga. Mababait ang mga iyon kaya siguradong hindi ka magigisa ng sobra-sobra.”
Hindi na niya nabigyan ng pansin ang paglalambingan ng mga ito sapagkat sa naging pag-uusap at sa mga sinabi ni Jay na napunta ang kanyang buong atensyon.
Dumating sila sa bahay nila Jay eksaktong alas-dose ng tanghali at hindi na siya nagtaka pa sa pagkamanghang nakita niya sa mga mata ni Janssen. Siya man, kahit nakailang punta at tulog na siya sa bahay ng mga Iglesias ay hindi pa rin niya maiwasang hangaan ang laki at ganda niyon.
“Ito ang bahay niyo?” Hindi na napigilang wika ni Janssen. “Who would have think na may ganitong bahay sa liblib na lugar na ito. I mean ––”
“Sa lugar ring ito naisipang magpagawa ni Renzell Dave ng bahay. At dito rin balak gumawa ng bahay-bakasyunan sina Nicollo at Lantis. At kung maku-close ang deal nina Tito Art at Claude Samaniego, magiging isang private villa ito ng mayayamang negosyante. So I guess walang mali sa liblib na lugar na ito.” Pagsabat niya.
“I didn’t mean that way pare.”
“Tara na sa kusina. Nakapaghanda na siguro sina manang ng pagkain. Doon na lang natin hintayin sina Mama at Papa.” Pagsali ni Jay sabay gaya nito kay Janssen patungo sa kusina ng bahay.
Naiwan siyang salubong ang kilay. Paanong nagustohan ni Jay ang tulad ni Janssen Velasco na halatang minamaliit ang lugar kung saan sila lumaki. Ang lugar kung saan nabuo ang mga ala-ala nila ng kanyang kababata. Oo nga’t malayo na ito sa siyudad ng lugar na iyon pero kahit siya ay hindi niya ipagpapalit ang tahimik at walang polusyong lugar na iyon.
Wala siyang nagawa kung hindi ang sundan ang mga ito sa kusina. Marami siyang dapat klaruhin kay Jay isa na doon ang maling interpretasyon nito sa kanyang intensyon subalit makakapaghintay iyon, ang kailangan niya ngayong paghandaan ay ang nasisiguro niyang pagpapakilala nito sa mga magulang kay Janssen bilang kasintahan. Base na rin sa naging takbo ng usapan nila kanina. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang Tito Art at Tita Meralda subalit kahit ano pa man ang maging reaksyon ng mga ito ay kailangan niyang mapaghandaan ng maaga kung ayaw niyang tuluyang mawala sa kanya si Jay.
Sa kusina ay natagpuan nga niya ang dalawa na magkatabing naka-upo sa mahabang mesa. Tanging si Janssen lamang ang lumingon sa kanya habang si Jay ay nagkunwaring hindi naramdaman ang kanyang presensiya. Napabuntong hininga na lamang siya.
‘This is even harder than I expected. No wonder halos masiraan si Nicollo ng bait ng tamaan ni Kupido.’ Naibulong niya sa hangin.
Bumaling siya kay Manang Ema. Ang kasambahay at siyang pinagkakatiwalaan ng mag-asawang Iglesias.
“Anong oras ho nagpunta si Mang Claro para sunduin sina Tito?”
“Mga pasado alas-onse `ata iyon iho.”
“Gano’n ho ba?” Binalingan niya ang kanyang relo. “Siguro ho ay simulan niyo nang maghanda. Any minute from now ay nandito na sila.”
Agad ngang kumilos ito kasama ang iba pang kasambahay. Gano’n siya kalapit sa mga Iglesias para mapasunod niya ang mga kasambahay nito. Isang myembro ng pamilya na rin kasi ang tingin ng mga ito sa kanya.
Nang muli siyang bumaling sa dalawa ay nahuli niyang nakatingin sa kanya si Janssen ngunit ang mas ikinitaka niya ay ekspresyon ng mata nito. Galit?
“Simula pagkabata ay magkakilala na kayo nitong si Jay ko hindi ba?” Wika nito.
Nagtataka man sa biglaang wika nito ay tumango na lamang siya.
“Kaya pala.” Tatango-tango nitong wika sabay bigay sa kanya ng ngiti. Ngiting nasisiguro niyang walang bahid ng katotohanan. “How long did it take for the both of you to realize na bilang magkababata lang talaga kayo?”
“Janssen..” Mahina ngunit may pag-aalalang wika ni Jay.
Ngumiti ito ng pilit.
“I’m sorry hindi ko lang talaga maiwasang––.”
“It was a one sided decision.” Pagputol niya. May laman ang tanong nito at hindi niya iyon nagustohan. To think na hindi lamang sila ang tao sa kusinang iyon. “Dahil kung ako lang ang masusunod sa mga oras na iyon, hindi ko bibitawan ang pag-aari ko.”
Gulat at hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ni Jay sa kanya nang magtagpo ang kanilang mga tingin. Tutal, nakapangako na siyang hindi ito ibubuko sa kalokohan nito ay gagamitin na lamang niya iyon sa kanyang advantage. That way, tataas ang tantiya niyang makuha ito.
“Akala ko ba siya ang nakipaghiwalay sa’yo?” Kunot-noo namang baling ni Janssen dito.
“Ah… Eh… Hindi––”
“Narito na ho sina maam at sir.” Biglang pagsali ng isa sa kasambahay na siyang dahilan para maputol ang namumuo ng tension sa pagitan nilang tatlo. “Hinahanap ho kayo sir Jay.”
“S-Sige.” Ang tila nabunutan ng tinik namang tugon ni Jay dito saka ito muling bumaling sa nagtataka pa ring katabi. “Dito ka muna sasalubungin ko lang sina mama at papa.”
Halatang napilitang tumango rito si Janssen.
“Sasamahan na kita.” Wika naman niya.
Walang naging pagtugon itong tumayo at linampasan siya at tunungo ang main door. Agad naman siyang sumunod dito.
“It really shocked me when Maki told me that Jay was participating the havest this year. Pero mas nakakagulat ang reports na ito. You two did well.” Bakas ang tuwa at pagkamanghang wika ng papa ni Jay.
“Sabi ko naman sa’yo hon, pasasaan ba’t matutoto rin itong si Jay natin na pamahalaan ang ibang negosyo natin.” Ang nakangiti namang wika ng mama nito.
“Hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Kahit medyo may pagka-tamad at paminsanang pagkamaligalig nitong anak natin, eh, alam ko namang darating din ang panahong ito.”
Alam niya noon pa man kung gaano kamahal at pinag-iingatan ng mag-asawang Iglesias ang kaisa-isang anak ng mga ito. Kaya nga hindi niya gaanong masisi si Jay sa pagiging walang sense of responsibility at commitment nito dahil sa masyado itong pampered ng mga magulang.
“So Jay anak, how true na may sampung pamilya ka raw na natulungan doon sa bukid natin? At balita ko pa ay lalo pang naging malapit sa atin ang mga tao doon dahil sa’yo.” Nang-uusisang wika nito.
“Siya po mismo tita ang nag-desisyon na i-hire ang sampung taong iyon na nawalan ng trabaho dahil sa nagsarang poultry kahit pa man sanabi ko na kailangan munang ma-aprobahan ni tito Art. He even gave me his credit card to make sure that those people will have their payment incase hindi aprobahan ni tito Art ang sweldo nila.” Pagbibida niya naman.
“Really?” Baling naman dito ng ina nito na bakas ang pagkamangha sa mukha. “I’m so proud of you anak. Alam mo bang sobra-sobra ang pasasalamat ng mga asawa’t pamilya ng mga taong iyon ayon kay Mang Ben?”
“Ginawa ko lang naman ang nararapat Ma. Besides, alam ko namang iyon din ang gagawin ni papa kung sakaling siya ang naroon.”
“Exactly.” Tatango-tangong wika ng ama nito. “Hindi lang dapat ang pangangailangan natin ang dapat nating solusyonan. Ang mga taong tinulungan mo ay ang mga tao ring dahilan kung bakit may pumapasok na pera sa atin kaya dapat lang na hindi mo sila isawalang bahala. Masaya ako at natutoto ka na anak.”
“Kanina pa tayo nag-uusap-usap pero hindi niyo pa naipapakilala sa amin itong bago niyong kaibigan.” Pagbibigay pansin ng ina ni Jay sa tahimik na si Janssen.
“Ah, ma, pa, si Janssen Velasco nga pala.” Pagpapakilala ni Jay.
Doon na nagsimulang magrigudon ang kanyang puso. Mukhang hindi na talaga niya mapipigilan ang mga mangyayari. Wala na siyang ibang choice kung hindi ang paghandaan na lamang ang lahat.
“Janssen Velasco?” Pag-uulit na wika ng ama ni Jay. “Sounds familiar. Taga saan ka ba iho?”
Napatingin siya kay Janssen. Halata ang pagiging uneasy nito marahil ay dahil sa nalalapit na pagpapakilala rito ni Jay bilang kasintahan.
“Schoolmate po namin siya nina Alex noong high school pa, and he was a year ahead of us. Dito rin siya sa atin lumaki but he took up his college degree in Cebu at doon na siya nalagi.” Si Jay ang sumagot para rito.
“I see.” Tatango-tango nitong wika.
“Iho, you should try to relax.” Nakangiting wika naman ng mama ni Jay. “Tingnan mo at pinagpapawisan ka na.”
True enough. Kanina pa niya napapansin ang pamumuo ng pawis sa noo nito at ang uneasiness na ekspresyon ng mukha nito.
Pinagpatuloy niya ang pakikiramdam sa mga mangyayari.
“Ma, pa, the reason why Janssen is here with us is because we both have something to tell you.” Pagbubukas ni Jay sa tunay nitong balak sa araw na iyon.
“And that is?” Kaswal namang tugon ng ama nito. Walang ka-ide-ideya sa malaking pasabog na malalaman nito mula sa nag-iisang anak.
Bumaling muna si Jay kay Janssen bago ito muling bumaling sa ama nito.
“Janssen and I are lovers.”
Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari sa hapag na iyon matapos ang deretsahan at walang pag-aalinlangang pagtatapat ni Jay sa relasyon nito kay Janssen. Binalingan niya ang kanyang Tito Art at Tita Meralda para tingnan kung ano ang naging ekspresyon ng mga mukha nito at parehong gulat ang naka rehistro sa mga iyon.
“Matagal na naming plano ang sabihin sa inyo ang tungkol sa amin. Pero dahil naka-alis na kayo nang unang dumating dito si Janssen ay napagkasunduan naming hintayin na lamang ang pagbabalik niyo.” Si Jay ang bumasag sa katahimikang namayani.
“I already knew that this will happen.” Sa wakas ay naiwika ng ina nito. “But I didn’t expect that it will be this day.”
“Alam mo ang tungkol sa akin ma?” Si Jay naman ang naguluhan.
Tumango-tango ito.
“Wala kang maitatago sa akin Jay, I’m your mother after all. Naghihintay lang ako na ikaw mismo ang magpapatotoo sa mga obserbasyon ko.” Wika nito saka ito bumaling kay Janssen. “Ikaw ba iho, alam na ba ng mga magulang mo ang tungkol sa relasyon mo sa anak ko?”
“B-Balak na ho naming sabihin pagkatapos naming masabi sa inyo.”
“And do you think matatanggap nila ang relasyon niyo?”
“Nasisiguro ko pong matatanggap nila ang relasyon namin.”
“What do you think Art?” Baling ng ina ni Jay sa asawa nito.
“Napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na ito Meralda. At tulad ng sabi ko sa’yo, ang desisyon mo ang magiging desisyon ko.”
“Kung gano’n, wala akong tutol sa kaligayahan ng anak natin.”
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Gano’n na lang ba iyon? Kabaliktaran ‘ata sa inaasahan niya ang naging reaksyon ng mga magulang ni Jay. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mas lalo yatang lumiliit ang tantiya niyang makuha si Jay sa kanyang karibal.
Matapos ang nangyaring paglalahad ni Jay patungkol sa relasyon nito kay Janssen ay masayang pinag usapan ng dalawa ang susunod nitong mga hakbang sa harap mismo ng mga magulang ni Jay. Alam niyang hindi na nagiging paborable sa kanya ang sitwasyon at kung hindi siya agad kikilos ay mangyayari na nga ang kanyang kinatatakutan. Ang tuluyang mawala sa kanya ang taong kahit siyang laging dahilan noon ng pagsakit ng kanyang ulo ay siya namang pinili ng kanyang pusong mahalin.
Handa na sana siyang umalis para mabigyan ang sarili ng panahon na makapag-isip ng mga p’wede niyang gawing hakbang nang pigilan siya ng ama ni Jay. Ayon dito ay may importante pa itong gustong pag-usapan.
Natagpuan na lamang niya ang sariling naghihintay sa loob ng study room nito.
“Ano ang masasabi mo natuklasan mo ngayon kay Jay?” Nabaling ang atensyon niya sa kapapasok lang na matanda. “Napansin kong naging tahimik ka kanina matapos i-anunsyo ni Jay ang relasyon niya kay Janssen.”
“Sa tingin ko ay wala ako sa posisyon na makisali sa gano’n kaselan na usapin kaya minabuti kong manahimik na lang Tito.” Tugon niya.
Nakangiti itong napatango-tango saka tinungo ang upuan paharap sa kanya.
“Hindi ka pa rin nagbabago Maki. Iyan ang ugaling gustong-gusto kong maging pangalawang anak kung magiging posible.”
Kunot-noo siyang napangiting rito.
“Well, alam mong hindi ako marunong magpaligoy-ligoy hindi ba?” Wika ulit nito. “Noon pa man ay napansin na ni Meralda na may kakaiba kay Jay at agad naman niya iyong sinabi sa akin. Tanggap namin ang anak namin pero nababahala kami kung matatanggap ba siya ng mga kaibigan niya - ninyo.”
“Kung sa amin lang na mga kaibigan niya ay wala pong problema. Tanggap namin ang pagkakaiba-iba namin.”
“That’s good. Hindi pala kami dapat mag-alala na baka mawalan ng kaibigan ang kaisa-isang anak namin.”
“That I can assure you Tito.” Naninigurado naman niyang tugon.
“I’m releaved. Pero hindi iyan ang gusto kong pag-usapan natin Maki.” Biglang nagseryoso ang mukha nito. “Sa mga kaibigan ng anak ko, ikaw ang mas malapit kay Jay. Simula ng magkakilala kayo ay naging imposible na kayong paghiwalayin. At sa totoo lang, no’ng pareho naming matanggap ni Marelada ang sekswulidad ni Jay ay pareho naming ipinagdasal na sana kayo na lamang ang magkatuluyan.”
“H-Ho?” Muntik na siyang mahulog sa kanyang kinauupuan sa ibayong pagkagulat.
“Yes. At least sa’yo, sigurado kaming hindi pagkakaperahan at hindi masasaktan ang anak namin. Pero alam kong imposible ang magkaroon kayo ng relasyon ng anak ko. Kaya naman may hihilingin sana ako sa’yo.”
“A-Ano po iyon?” Magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman sa maari niyang marinig mula rito.
“Ilayo mo ang anak ko kay Janssen Velasco, Maki.”
Itutuloy:
73 comments:
very nice, tumambling tlaga aq sa ending ng chapter xD
E2 na nga hehehehehehehe....
Thanks kua zek..
Basa basa na din....
Booommmmmmm
Basa basa na hehehe.
Chapter16 muna balikan ang nkaraan .hehehe
hahahahhaha naks si daday pabor pala kay maki..galing..
ung feeling na gusto ka ng magulang nya para sayo???
sino bang ndi matutuwa dba?? wahahah GO MAKI!!!
^_^
Oink oink
mahusay :D
Walang kupas mahal :*
sana next time di na tumagal update
wawa naman kami as ur readers :D
Amao!! Haha
<3
Boom!!
"ilayo mo ang anak ko kay janssen velasco."
Kala ko di na mag uupdate c zild. :)
LIteral akong nashock sa end. Can't wait for the next chapter. :) Nice one
sa wakas...
cguro galit ang pap ni jay sa magulang ni janssen o kya may ngawang ksalanan papa ni janssen...
exciting kuya zeke sulit sa paghhntay xado na akung excited d2
go maki
ayun at magiging mas karumaldumal ang plano ni Maki! nice one poy! teka teka... nasabi ng dad ni jay na "pagkakaperahan" hmmm mukhang iba ang pagka-alala ng dad nya kay janssen ah? (mukhang alam ng dad ni jay ang kung ano meron ang pamilya niya ah) abangan ang susunod na kabanata sa susunod na mga araw.... "mga araw" ha to be exact... LOL loko lng POY! galing!
Bakit mo naman binasag ang plot ko LOL!! HAHA Gaya ng dati magaling ka pa rin mag-read between the lines :)) Keep it up! XD
You made me feel really happy Zek! I love this chapter! And.... Welcome back nga pala! :) Salamat salamat...
Pat
Tagasubaybay
After a long wait... Finally, they're back! Thanks for the update Kuya Zeke. God Bless! =)
Ian of KSA
ano kaya yung big revelation? bakit kaya ayaw nung dad ni jay kay janssen? hmmmnnnn
buti boto yung pamilya ni jay kay maki-maki.. nice =))
SIR chapter 18 na.... hahahahhaa
Dev Nic
I really missed this. I so love the twists and turns of this story. Thank you author for a very smart plot.
Malupet tohhhh ...
and this when the war starts. FYT! go kuya Maki!
hehhehehehe my update na ....nice 1.....maki grab mo na my bleesing na nsa future mommy mo...hjahahahhahahahaahaha..........pero d ba da epelouge nkalagay don smething in buseness, na ang sbi gingawa un ni jay dahil sa isang taong imprtante sa kanya, at parang lam nyo na at knows nyo na rin na c maki ang tinutukoy dun....heheheheeheh.......clap clap clap
waaaaahh.. i so love Maki..!!!
lakas ng resbak mo Maki-Maki.. hahahaha
Go bless.. -- Roan ^^,
haizt at last! nasundan na din zek! hmmm,i smell something fishy regarding sa backgroung ni janssen and his family. excited much c MAKI sa request ng papa ni jay, hope ituloy tuloy muna ang pag update mo zek . demanding lng ? he he he/yngatz lage.
Yess yow nabuhay na nga si Zeke hihi
Yun boto pala si papa eh. Haha go Maki-Maki. Bat parang may merong kung anu kay jansen nayan na parang ayaw ng papa ni Jay? At parang my mali di kaya may kung anung kinalaman si jay? Ah bsta can't wait sa next chapt.
~JAYVIN
ito na sa wakassssssss!!! naka update ka din.. bumalik na ang katawang lupa mo sa lupa para magsulat yesssss!!!
Sigaw moment ang Ending LOL I miss this story :) Nice one kuya Zeke :)
wooh after almost two months na paghihintay dumating na din sila... miss makjay.. maki wag kang patatalo... kakampi mo pa naman sila tito art... say.
-JR
nag balik ka na kuya Z...kompleto na ulit mga paborito qng writers! (Sir Mike, Dark Ken, Kuya Joemar and xempre ikaw) yesss, na miss q to..sna tuloy 2loy na update...thanx
~kym
matagal nq ngdududa jan kay chicken eh, sinapian ata nina madam auring at madam rosa sa galing manghula
Great! May update na rin sa wakas! Salamat. At mukhang papabor na kay Maki ang tadhana ah. Abangan . . .
Sheeeet!! Can't wait for the next update!!! :))
Yey, may update na uli!
Ang saya ng twist na 'to. Paano kaya isasakatuparan ni Maki ang mga balak niya, lalo na't may basbas siya ng mga magulang ni Jay?
- Edmond
wow!!! can't really believe it. papa ni jay ay pabor kay maki, how nice. And also na update na din tong story na to. hay thnak goodness. haha!! ayway love it, hoping for more. ^_^
hahaha...before the comment, Panalo ako OTOR sa pustahan!!!BLOCKBUSTER ang chapter na ito!!!!
anyways, masaya nga naman sa feeling kung alam mong suportado ka ng magulang ng "jujowain" mo...hahaha
nice chapter indeed!!!
Tama na sa akin ang earlier updtae sa story na ito as being the winner in pustahan,....
tgal ng nxt update hehehe....
antayin ku na lng bsa mode muna ng BITTERSWEET
naks! may update...
malalaman na kung sino talaga ang devil...
the other devil is an angel afterall..
nice chap..
galign galing mo talaga mr author :D
sana magka 18 na :D
(nel)
Grabe ka Poy...sulit ang pinaghintay namin na mga readers mu...sobrang exciting naman ang magiging battle ni maki,,ano kayang mga pakulo ang maiisip mu..ABANGAN...
_iamronald
wow ang galing naman ni pot iba talaga pag mataba ang utak nu..wahahaahhaah joke lang pot..peace..
_iamronald
hala baket ayaw ni father ke jansen..?? go push maki!!!!
OMG! Worth it ang 2months na paghihintay! Ang astig nito! Go Maki! Hindi man naging paborable sayo ang desisyon. Paborable naman sayo si Daddy. Sabi nga ni Nicollo ikaw ang may hawak ng laro kaya maging maingat ka. That is your chance! Gora lang!
Sir Z we missed you! Haha nagpaka busy ka ng bongga may email po ako sayo,hope magreply ka! Continue doing what u love,nandito kami para sumuporta ^_^ God bless.
Pati ako ay muntik nang mahulog sa aking kinauupuan! Sulit ang paghihintay at pagbisita araw araw!
You're the best kuya!
MORE POWER!
the long wait is overrrrr...
nice update
next na please
next na please
yey!me update na!!pero i was late basahin at magcomment!haha...
Kaloka ang ending!!akala q laglag na c maki eh.buti na lang to the rescue c tito art!hehe...
Napaisip lang aq sa motive ni tito art kung bkit nya gustong kasabwatin c maki para paglayuin c jay at jansenn...hmmm..pero buti me clues to think nmn.. i think it's really about business and money...
-monty
yahoo. may update na pala grabe ang ganda nmn nito I hope tuloy tuloy na paguupdate zild....
have a great day...
Update na please....
Muntik ko nang makalimutan ang kwentong 'to kasi ang tagaaaaaaaaal bago nasundan.
Pero worth the wait naman. ang ganda. sana marealize ni Jay na pagkakaperahan lang siya ni Janssen.... at sa susunod na update na yon. hehehe.
Galing mo Zeke.
nkakatigang na kuya ang tagal :(
excited na ako!!! hahaha :D go go go chapter 18!! :D
Nice one Zekie! :-)
nganga na naman! antagal ng next chapter.
ilayo mo ako kay janssen velasco maki. sagipin mo ako. :'(
-Jay
nakahabol din ako,,mula make believe pa lang gusto ko na mgcomment pero nahiya ako kasi masyado ng late.. Kaya heto dito nalang ako babawi...
.
Very nice job jian... Actually, ito ng maja(MAki-JAy) ang pinakagusto kong kwento...
.
.
Sabi ko na nga ba eh, just like brother makki, nagduda na din ako nung sabi ng mama ni jay na mr velasco sounds familiar to her.. May alam nga sa past ng mga velasco ang pap ni jay... Which contributes why theye a broken family now...
Epal lng.. Hehehe
BoboyTuliaoG
wahhhhh.......tagal ng update.....nawawala me sa flow ng story....naman!!!!!!!!!1
bat alam na ni boboy? pero pagnagkataon, baka pala si Janssen ay gumaganti lang at si Jay ang kawawa. PERO NASAAN NA ANG KASUNOD NAMAN!!!!!
hehehehe.... tagal na po.... ilang beses sa isang araw kung ako ay magcheck kung meron nang sunod na chapter....
please lang.... bitin na bitin na kami....
Migs! Hahaha at nag-comment ka talaga!
Heto na the wait is over chapter 18 will be posted later. (April 9, 2013)
Update na po Author please. :))
-Leo14
Mukhang binago ni jian ang plot ng story ah.. Baka tama yung hula ko...
wala pa din update?cc tagal ah
Bakit ang tagal nmn po masundan neto?
nasan na yung Fiance na story?
oo nga bakit nawla?
at dba may chapter 18 na tong devil beside me?
Whatever happened to this story? And what happened sa The Fiancee? This blog used to be a really nice, interesting and the kind of blog you can't do without on a daily basis.. Whatever your reasons are dear author, these will be respected, just wishing though na sana hindi ka gumaya sa ibang authors na bigla na lang nawala and left their readers and followers hanging.. You are such a great talent and it will be a waste if you just stop writing and sharing your stories.. I actually read all your stories from the time you started this blog and will continue to do so until you stop.
Hopefully though that when you stop posting in your blog, you do it the right and respectful way and not just leave your readers asking why? Thank you and more power to you..
hmm... wala pa palang update??
Nalimutan ko na ang storya nito sa tagal ng update. Lol
Wala pang update? :-( huhu tagal na ah :-(
Wala pang update? Tagal na ah :-(
ou nga noh? O.o nawala chapter18 at the fiance? Anyare kuya Zeke? Sana bumalik kna sa dati,isa ka sa mga magagaling na writers na hinahangaan ko,kuya Mike Juha,Kenji,Sir Joemar ancheta at ikaw. Sana po kung anu prob mo hindi maka apekto sa pagsusulat mo,we missed you, bet mu gawan ko ng FB group mga avid readers and supporters mu? :3
may fb group na pala eh? Kuya zeke pa add at pa invite po,block aq sa fb ndi mkpag add for 30days,thanks po,eto fb ko kikay018@yahoo.com
i'm in love with maki :) kahit isang taon pang di mag.update basta matapos lang ang story na toh wala nakong reklamo :) i love maki and the author ^_^
Kuya zid inabangan ko to... Thank u
Kelan po ang next update? Thank you po mr author..
Post a Comment