Tuesday, April 15, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 19



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Maraming salamat sa paghihintay mga paps! Brace yourself! Heto na ang Chapter 19 ng 9 Mornings Book2 at simula na ng matinding pakikibaka ni Brian sa kanyang irog. HAHA


Salamat nga pala sa mga taong walang sawang sinusuportahan ang kwentong ito kahit pa man sobrang tagal bago ko ito nasundan ulit.


Axel Alzona, ThelegazpiCity, ManilaActor, MigiL, Racs, Bobby Evasco, Lex, Luilao, PanCookie (Cookie Monster), Cyril Delatorre, Jec, Argel, Migz, Chants, JC, Sam at sa mga ANONYMOUS.


Nakaka-inspire na malaman na sakabila ng matagal niyong paghihintay ay hindi niyo pa rin sinukuan ang suportahan ako. Kaya para sa inyong lahat ito repapipz!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Good morning, sir Pogi.” Bati kay Brian ng sekretarya niyang si Enes.


“Morning, Enes. Nagawa mo ba ang lahat ng pinapagawa ko sa’yo kahapon?” Balik naman niya rito sabay flash ng pinagpala niyang ngiti.


“Yes, sir. In fact, nasa ibabaw na sila ng mesa mo. Naroon na rin sa conference room ang board of directors at naghihintay na sa inyo.”


“Good. Maasahan ka talaga. Please tell them that I have arrived and will be there in a moment. May tatawagan lang ako.” Nakangisi niyang sabi sabay kindat dito bago siya tuluyang pumasok sa kanyang pribadong opisina.


Pagkapasok na pagkapasok niya ay agad niyang hinugot mula sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone saka hinanap doon ang pangalan ng taong masasabi niyang siya ngayong palaging laman ng kanyang isipan.


“Ang bilis mo namang nakarating.” Magiliw nitong bati sa kanya.


Marinig lang talaga niya ang boses nito ay agad siyang nare-recharge. Kanina lang ay damang-dama niya ang matinding antok habang minamaneho ang daan papunta sa kanyang opisina. Sabay ulit kasi silang nagsimba sa pangalawang misa de gallo kahit pa man pareho silang kulang ng tulog gawa ng pag-alis nila kagabi kasama ang kaibigan nitong si Russel.


Aaminin niyang isa siya sa mga kalotikong hindi ganoon kalakas ang pananampalataya sa simbahan.  Ang dahilan lang naman talaga niya kung bakit niya sinasamahan itong magsimbang gabi ay para makasama niya ito. But he can’t deny the fact na maganda ang epekto sa kanya sa ginagawang pagsimba. Pinagagaan niyon ang loob niya in a strange manner.


“Ako pa! Ngayon na pala magre-report ang driver na kinuha ko para sa inyo. I-fo-forward ko sa’yo ang number niya. Anong oras ba kayo aalis?”


“Nag-text na ako sa kanya kanina matapos natin mag-breakfast pero hindi pa nagre-reply. Malamang natutulog pa ang isang `yon.”


“Kung ganoon, matulog ka na lang muna ulit para makabawi iyang katawan mo. Tatlong oras pa lang ang tulog mo. Puwede naman sigurong mamayang hapon na lang kayo mag-ikot-ikot, masasamahan ko pa kayo.” Suhestyon niya.


“Tulog natin.” Pagtatama nito. “Pareho tayong kulang ng tulog. At kung may kailangan man sa ating bumawi ay ikaw `yon dahil mas marami kang ginagawa kumpara sa akin. Kaya dapat pagkatapos mo diyan sa opisina mo, dumeretso ka sa inyo at magpahinga.”


“Pero ––”


“You need all the rest that you can get para bukas. `Di ba Christmas party ninyo?”


Oo nga pala. Muntik na niyang makalimutan na bukas na nga pala ang Christmas party ng kompanyang hinahawakan niya. Masyado talaga siyang nawiwili sa kasintahan niyang ito na pati ang bagay na `yon ay nawala sa kanyang isipan.


Pero sa gabi pa naman gaganapin ang Christmas party nila. Marami pa siyang oras para magpahinga. Naiintindihan naman niya na gusto lamang nitong makabawi siya ng tulog. Sa katunayan nga ay ikinatutuwa niya ng husto ang pag-aalalang ipinaparamdam nito sa kanya. It made him feel so special. Pero wala pa talaga siyang tiwala sa kaibigan nito. Paano kaya niya ito makukumbinsi?

Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.


“Alright.” Kunyari ay matamlay niyang pagsangayon. “Akala ko pa naman sabay tayo ulit magdi-dinner mamaya. Balak ko pa naman sanang mag-take-out ng pagkain sa Yolanda.”


Rinig niya itong napasinghap. Mukhang hindi siya bibiguin ng ideya niya.


“Come to think of it. Hindi nga masamang ideya na mag-dinner muna tayo mamaya bago ka magpahinga. Masamang matulog na walang laman ang tiyan.”


Agad siyang napangisi. Tama ang kanyang naisip. Kung may isang bagay man siyang alam na hindi nito kayang tangihan ay iyon ay pagkain. At kapag pagkain na ang pinag-uusapan, nakakalimutan na nitong ilaban ang gusto nito.


‘Ang henyo ko talaga.’ Ang wika niya sa kanyang isipan saka lihim na napabungisngis.


“So? Dinner tayo mamaya?” Malapad na ang ngiti na pagkumperma niya.


“Sure! Sa tingin mo kaya pwede ulit gawin ni Laurence iyong inihanda niya noong magpunta tayo sa restaurant nila? Ang sarap kasi talaga niyon.”


Sa puntong iyon ay gusto na niyang kalimutan na lamang na may ipanatawag siyang meeting at puntahan ito para yakapin. Oo, mababaw kung tutuusin ang kaligayahan nito pero iyon din ang isa sa mga rason kung bakit nakuha nito ng husto ang kanyang atensyon. Eros is the kind of person who’s easy to deal with. Hindi nito ugaling gawing komplikado ang bawat sitwasyon. Mali pala siya noong sabihin niyang mahirap itong intindihin, siya ang nahihirapang intindihin ang damdamin para dito kaya sumasakit ng husto ang ulo niya.


“Kung `yon ang gusto mo, then `yon ang dala ko mamaya.” Magiliw niyang sabi.


“Sabi mo `yan, ah? So, paano? `Di ba may meeting ka pa?”


“Yup! See you later! I love you Spidy.”


“I love you.”





Kung masayang aura ang nakapalibot kay Brian habang kausap niya si Eros kanina, ay kabaliktaran naman ang nangyayari sa loob ng conference room. Dama ng bawat taong nasa loob ng kuwartong iyon ang tensyon. Tensyon na siyang may likha.


Ibinaling ni Brian ang kanyang tingin sa isa sa mga taong naroon – ang kanyang tinamaan ng lintik na tiyuhin na si Leo Drason. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatutok ang tingin sa hawak nitong folder na ipinahanda niya kay Enes kahapon.


“Ms. Lomeda.” Wika ng isa sa board members. “You lead this investigation, correct?”


Agad namang napa-upo ng tuwid si Melba.


“Yes, sir. It was a direct order from the chairman of the board.”


“Kasinungalingan ito!” Ang bigla namang wika ng kanyang tinamaan ng magaling na tiyuhin. “This is clearly a frame-up! Alam naming lahat na dati kayong magka-klase ni Brian. At alam din nating lahat na mainit ang dugo ni Brian sa anak ko. The very reason why he suspended Xander without a valid reason.”


“For your information, sir. Walang kinalaman ang naging resulta ng imbestigasyon namin sa pagiging magka-klase namin ni Boromeo.” Oh, great! Hindi ba alam ng tiyuhin niya na ang pinaka-ayaw nitong tigress na si Melba ay ang kuwestyunin ang trabaho nito? “Isang Linggong pinagpuyatan at pinaghirapan ng team ko ang resultang iyan. And I’m very much willing to put my name on the line kapag napatunayan ninyong peke o inimpluwensyahan ng ibang tao ang resultang `yan.”


“According to this result, hindi biro ang perang nawawala. It was declared as a company losses pero walang resibo, vouchers o kahit ano pa mang magpapatunay sa pinaggamitan ng perang ito.” Wika naman ng isa sa board of directors.


“Ms. Matilinao, you’re the head of the budget and finance. How did you declare this as company losses where in wala pala kayong pinagbasehan?”


“Enough!” Dumagundong ang boses ng kanyang tiyuhin sa kuwartong iyon.


“Bakit, Mr. Drason?” Kalmado niyang wika. “Bakit mo gustong itigil? Dahil ba ayaw mong marinig ng ibang board of directors kung papaano ninyo pinagtulungan ng anak mo at mga kampon niya na manipulahin ang records ng kompanyang ito?”


Panahon na para ilatag niya ang mga baraha niya. Ang simulang pabagsakin ang mga taong pilit siyang ibinabaon. Oras na para gawing impyerno ang pasko ng mga ito.


“S-Sinasabi mo bang ––”


“Totoo naman di ba?” Putol niya rito. “Akala mo ba hindi ko malalaman? I may not look like one pero tulad niyo, tuso rin ako kung kinakailangan. Pinagtakpan mo ang pagnanakaw ng anak mo sa kompanyang isa ka sa mga nakikinabang dahil gusto mong ibagsak ako, `di ba? The very reason why you declare the missing money as a company losses kung pwede mo namang burahin iyon sa records. Para palabasing bumaba ang performance ng kompanya at mapunta sa akin na siyang nagpapatakbo ang sisi.”


Napuno ng bulong-bulungan ang loob ng conference room na iyon. Isang tao sa IT department ang kinuntsaba ng mag-ama para pakialaman ang records ng kompanya.


“How dare you para isali ako sa mga kalokohang ito!” Nanggagalaiting wika ng kanyang tiyuhin. “Wala kana talagang natitirang respeto para sa akin!”


“Nahihiya ako para sa’yo, Brian. Ikinahihiya ko ang ginagawa mo sa pamilya natin.” Muling umalingaw-ngaw sa kanyang isipan ang mga katagang binitiwan ng kanyang ina.


‘Hindi ako ang sumira sa pamilyang ito kung hindi itong mga taong mas pinanigan mo, Ma. Mga taong hinayaan mong sirain ang sarili mong anak.’


“Respeto? Ibinibigay ang salitang iyan sa mga taong karapatdapat.” Tiim bagang niyang tugon rito saka niya binalingan ang board of directors. “Gusto kong mag-conduct kayo ng sarili ninyong imbestigasyon sa kanya at sa anak niya. Himayin ang dapat himayin. At gusto ko, kasabay ng bagong taon, ay ang resulta ng imbestigasyon ninyo.”


“Hindi niyo pwedeng gawin `yan!” Protesta ng timaan ng magaling niyang tiyuhin. “Hindi lang si Brian ang may karapatan sa kompanyang ito!”


“Hindi biro ang halaga ng perang nawala sa kompanyang ito, Leo. Malinaw sa hawak kong mga papeles na may anumalyang naganap. Kaya hindi namin pwedeng isawalang bahala ito.” Wika ng dating vice-chairman ng kanyang ama – ang tatay ni Vincent.


“I agree.” Sigunda naman ng isa. “Pera rin naman ang nawawala. We will conduct a throughout investigation to this. At dahil diyan, kailangan ka rin naming suspendihin hanggang matapos ang imbestigasyon.”


“Y-You can’t do this to me.” Ang hindi makapaniwalang sabi ng kanyang tiyuhin.


“We’re afraid that we can Mr. Drason.”


Bumaling ito sa kanya at pinukol siya ng nakakamatay na tingin.


“Tandaan mo ito Brian. Ikaw ang nag-umpisa ng gulong ito kaya siguradohin mong hanggang sa huli, makakaya mo itong pangatawanan dahil ibabalik ko sa’yo itong pamamahiyang ginawa mo sa akin.”


Iyon lang at walang lingon-likod na itong nagmartsa palabas ng kuwartong iyon. Pambihira! Ang mga talunan nga naman talaga, kahit wala na sa posisyon nagagawa pa ring magbanta.


Natapos na ang meeting na iyon at isa-isa ng nagsisilabasan ang mga ka-meeting ni Brian. Subalit nanatili sa loob ang ama ni Vincent ang taong itinuturing na rin niyang pangalawang ama.


“Hindi mangingiming totohanin ni Leo ang banta niya sa’yo sa ginawa mo.”


“Sanay na ako Tito. Hindi pa man nagsisimula ang gulong ito, sanay na ako sa mga katarantaduhan nila.” Tugon niya.


Hinilot nito ang sintido na animoy biglang nanakit ang parteng iyon.


“Lumalaki na ang apo ko. Gusto ko na sanang mabantayan siya pero paano ko magagawa iyon kung hindi kita ma-iwan-iwan dito? Maski si Vincent ay ayaw akong payagang iwan ka.”


“Hindi na ako bata para bantayan niyo pa Tito Fred. Ano mang oras ay pwede na kayong mag-retire tulad nina Tito Ruben at Tito Arnold at hayaan na si Vincent na maupo sa trono niyo” Nakangiti niyang tugon.


Sumimangot ito.


“Kahit kaladkarin ko si Vincent dito, hindi ko pa rin mapipilit `yon na sundan ang mga yapak ko. Kilala mo ang kaibigan mong `yon. Mas gugustohin niyang mas maraming oras sa kanyang pamilya kesa sa trabaho. But it made me proud knowing that my son value his family more than he value money. At hindi ko pwedeng biguin ang ama mo. Mahigpit niyang inahabilin sa akin na bantayan ka at siguraduhing ligtas.”


“Kaya ko na ang sarili ko Tito Fred.”


“Sana nga hijo. `Coz you just declare war to them at nasisiguro ko sa’yong hindi sila ang tipo na basta na lang aatras. Madadamay ang dapat madamay. Pati ang taong pinahahalagan mo ngayon.”  


Sa mga huling sinabi nito ay nawala ang kanyang ngiti.


“A-Anong ––”


“Oh, c’mon! Sa tingin mo ba mapipigilan mo si Vincent na magkwento sa akin?” May panunuksong putol nito sa kanya.


‘Drat! Pati ba naman iyon ay naidaldal na rin ng kaibigan niya sa ama nito?’


“Kailan mo ba siya dadalhin sa bahay para ipakilala sa amin ng Tita Sandy mo? Ayon kay Vincent ay mahilig daw sa pagkain ang taong `yon. Do you think magugustohan niya ang mga luto ng asawa ko?”


Literal lang siyang nakanganga rito. Walang maisip na sasabihin sa pagkabigla. Oo nga’t alam niyang open sa ganoong relasyon itong mga magulang ng kaibigan niya. Pero ang masaksihan iyon ng personal ay talagang nakakagulat.


“Ito ang tatandaan mo, Brian. Totoong mahirap sumabak sa laban kapag may tao kang pinuprotektahan. Pero ang kagustohan mong maprotektahan siya ang magbibigay sa’yo ng lakas para hindi sumuko.”





Mindfuck. Iyon ang naramdaman ni Brian matapos ang usapang namagitan sa kanila ng kanyang Tito Fred. Talagang napaisip siya ng husto sa mga huling sinabi nito and yet at the same time nakaramdam din siya ng takot. Hindi para sa sarili kung hindi para kay Eros.


Hindi pumasok sa kanyang isipan ang posibilidad na maaari nga niyang madamay sa gulong kinasasangkutan niya ngayon si Eros. Tama ang kanyang Tito Fred, tuso ang kanyang mga kaaway. At gagawin ng mga ito ang lahat mabalikan lamang siya.


“Crap! Hindi ko ito napaghandaan.” He murmured saka nagmamadaling hinugot ang kanyang cellphone.


“Oh? Napatawag ka, Boromeo?”


“Asan ka Renzell Dave?”


“Mall.” Matipid nitong sagot.


Napataas ang kanyang kilay. Anong ginagawa nitong kaibigan niya sa mall? `Di nga ba’t allergic ito sa shopping?


“Kasama si Alex?”


“Ako lang.”


Mas lalo siyang nagtaka. Matuturing na milagro na pumunta ito sa mall lalo na at hindi nito kasama ang kasintahan.


“Kailan ka pa nagkahilig mag-mall?”


“Wala kang pake. Ano ba ang kailangan mo’t dinidisturbo mo ako, ha?”


“I need your help.” Deretsahan niyang sabi sa kanyang pakay. Mukha kasing wala na naman ito sa mood. Ano na naman kaya ang problema nitong timawang `to?


“About what?”


“`Wag dito. Magkita tayo.”


“Istorbo.” Rinig niyang bulong nito. “Sige sige. Sumunod ka rito sa mall. Hihintayin kita sa Starsrock.” Iyon lang at walang paalam na siya nitong binabaan.


Napailing na lang siya. May pagkabastos talaga itong kaibigan niya lalo na kapag wala ito sa tamang timpla. Agad siyang naghanda para umalis. Wala na rin naman siyang ginagawa sa opisina. Hindi rin niya matawagan si Eros dahil hayon at kasama nito ang kaibigan na nagli-libot.


Tinahak nga ni Brian ang daan papuntang mall kung saan naroon ang kanyang kaibigan. Kailangan niyang makausap agad ito. Nang marating niya ang naturang mall at ma-i-park ang kanyang sasakyan at dere-deretso na siya sa lugar na pinaghihintayan nito.


“So, what do you want?” Walang paligoy-ligoy nitong sabi nang magkaharap sila.


“Bakit ba ang init ng ulo mo?” Balik naman niya saka humila ng upuan. “At anong ginagawa mo rito sa mall?”


“Hindi mainit ang ulo ko, frustrated lang ako.” Tugon nito saka tinunga ang in-oder na beer. “I can’t decide what gift to buy for Alex tas sumabay ka pa. Nakakaasar!”


Sa puntong iyon ay gusto niyang tumawa but he opted not to dahil baka masuntok pa siya nito.


“Gift? Bakit ano ang meron?  Anniversary niyo ba?” Sa halip ay pagsakay niya. Kailangan niya ng tulong nito kaya dapat magpakabait siya.


“Tanga! Tapos na ang Anniversary namin. It’s for this upcoming Christmas.”


“Kailangan pa ba `yon? Pambihira! Masyado kang pasikat!”


“Pakialam mo ba? Eh, sa gusto ko siyang bigyan ng regalo sa pasko, eh. Ikaw nga diyan ang pasikat. Hindi mo lang ibinahay sa Albertos ang kaibigan ni Eros, pinahiram mo pa ng sasakyan at driver. Anong drama mo?”


“Wala.” Kaswal niyang sagot. “Binubusog ko lang sa utang-na-loob ang isang `yon para magdalawang isip na kantiin ako.”


“Possessive jerk.” Labas sa ilong nitong komento. “Humahaba ang usapan. Ano ang kailangan mo sa akin? Hindi ko pa nga natatapos ang pinapagawa mo, heto’t meron ka na namang bago.”


“About that. Nagkapagdeklara na ako ng gyera sa mag-amang Drason.”


“And?”


“At may isa akong hindi napaghandaan, Dave. Si Eros. Hindi pumasok sa utak ko na malaki ang posibilidad na pwedeng madamay si Eros sa gulo.”


“Knowing your good-for-nothing cousin isama mo pa ang tatay niyang walang hiya hindi nga imposible `yan. Pero simula’t sapol naman damay na talaga rito si Eros.”


“Ano’ng ibig mong sabihin?”


“Sa tingin mo ba, ganoon ka-tanga ang pinsan mo para hindi niya malaman ang ginawa ni Eros na pagbibigay sa atin ng mga pictures nila ni Cassandra? ”


Nangunot ang kanyang noo. May hindi ba sinasabi sa kanya ang kaibigan?


“Ano ang alam mo na hindi ko alam Renzell Dave?”


“Marami. At isa na doon ay alam na rin ni Xander ang tungkol sa relasyong meron kayo ni Eros. Pero hindi iyan ang dapat mong problemahin sa ngayon. May mas importante pang bagay na nangangailangan ng pansin mo.”


Lalong nagsalubong ang kanyang kilay.


“Ang wala sa oras na pag-uwi rito ni Eros.”


Okay. Mas lalo siyang naguguluhan ngayon. Ano ba ang ibig sabihin nitong kaibigan niya at bakit ba hindi na lang siya nito deretsahin ng magkalinawan sila.


“Ano ba ang tinutumbok mo?” Oo medyo napipikon na siya sa paligoy-ligoy na ginagawa ni Dave. Pinasasakit kasi nito ang ulo niya.


“Ask Eros, Brian. Ask him kung ano ang dahilan at napa-aga ang uwi niya rito. At kung bakit siya nawalan ng trabaho. Kinalalanin mo ng husto si Eros dahil kailangan mo `yon kung isasabak mo siya sa gulo ng buhay mo.”






Itutuloy:

35 comments:

Anonymous said...

Ne be yen!!!???? Bitin bossss!

1st ba ako? lels.

Romance. Suspense na to boss! ano kaya ang eksena neto. Lels
-PanCookie

Unknown said...

This is really getting fiery... more mysteries ahead zekey ha! >:D

Yhad S. Beucharist said...

Anuh ba yun? ang daming tanong na kailangang bigyang sagot.....
Hayysss, itulog ko muna ito baka sakalaing sa susunod na post, ay masagot...

TheLegazpiCity said...

what the!??? the fun is starting to boil...hahaha

more more more

Unknown said...

Oh!!! This is it... Start na ng war and brian have to asl Eros kasi eversince kasali na ko este si Eros sa gulo ano kaya mangyayari... hay naku zeke kahit kailan ka talaga kung mambitin wagas na wagas... Pagiisipin mo nnaman mga reader mo... Haizt... thanks sa UD love you Zeke... Mwah!!!

robert_mendoza94@yahoo.com said...

HAIZT, LOOKS MORE EXCITING ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA. TNX ZEKIE! HE HE HE

Zee said...

This is getting more exciting! Galing mo po talaga kuya idol kaya love kita eh! :*

James Chill said...

Ang hard!!! Excited much sa next part! Woohoo...

russ said...

Super bitinnn hehebpara next agad..

Unknown said...

Thanks sa update! sa wakas..hahah galing!

MigiL said...

Halaaaaaaaa!! umiinit na ang mga pangyayari! exciting!!! thanks kuya zeke! :3

Anonymous said...

daming lihim sa kwentong ito nakakaexcite tuloy kung ani sunod na mangyayari. tnx sa update zildjian.

randzmesia

Anonymous said...

HAHAHA! takaw ni Eros! cute! tnx sa update kuya zeke! :D

Anonymous said...

.nice.. masyadong masalimuot... goodjob....

Anonymous said...

hala.. he start the war.. madugo to.. hahah

and whats with eros? anu kaya meron? palagay ko lang ha.. may sakit sya? wag naman sana..

kapanapanabik ang next chapter.. :) thnks sa update kuya zeke.. :D


-jec

manila_sex_actor said...

Grabe ang chapter na ito...

Sana bukas meron na uli...

Anonymous said...

Shet! Bitn ako! Jahahaha good one!

Migz said...

Fast update Zeke, great job!!! Can't wait for the next one, excited and anxious to know what is going to happen.. I like how you built the suspense Zeke.. Great style.. Keep it up.. :-)

Anonymous said...

excited

jc

Pen said...

Naeexcite ako at natatakot sa mga susunod na mangyayari >___< my gash! ty zeke sa update moreeeee :)

luilao said...

Thank you author sa special mention .. <3 hehe..

At salamat sa update ... Sabog2 na nmn nito ang utak ko sa kakaisip kung ano ang susunod.. Nag update kana nmn ata ng brain cells at nalikot na nmn ang utak mo mag isip ng pahirap sa aming mga readers kung ano ang mangyayari... Waaaaa gulo2 na talaga hahaha

Anonymous said...

Haha bakit napasama kamag anak ko s kwento? Lelz. Kuya zeke, mas exciting na kwento! Pati ako na mindf*ck mo dun ah! Haha! Galing!
-jhayar

Lance Abella said...

Super bitin pero ang ganda ng story..mababaliw na ako sa kakaisip kung ano mangyayari sa next chapter..tnx sir zildjian

Anonymous said...

Hindi naman si Eros yung IT na tumulong kay Xander para baguhin yung status ng company ni brian dba? N si russel anong kinalaman niya dito sa kwentong ito? N dave kung may alam ka sabihin mo na ang dami lihim..tnx

josh said...

this is really exciting at medyo kinakabahan ako sa gyera

Anonymous said...

shakabel!nakakanerbs ung chap neto!ano kaya meron kay eros??susme lang ha..nacucurious talaga q na naeexcite sa nxt chaptersss!hehe..

-monty

slushe.love said...

Di na ako makapag hantay sa next chapter. Merong revelation about Eros. Crayyy-EE!

Anonymous said...

Nawalan ng work si eros? Y? Anong linilihim nila? At anong alam ni dave? Grabe ka kuya wala kang kupas! Thanks sa update! At alam na ni xander? Anong balak nya, ang sulotin din si eros kay brian? Haha

madami pang katanungang wala pang sagot.


~JAYVIN

Anonymous said...

Update na po please

Ryge Stan said...

ui suspense na to, and now the nightmare has began. Next chapter na Zake. By the way how are you? I hope your doing good now after Yolanda. Basta pray lang lagi kay God.

Have good week ahead Zake and keep it up.

Anonymous said...

ayan na..



pangz

Unknown said...

nakakatuwa talaga ang kuwentong ito.... so its payback time sa mga... hmm.. hehehe... ganda story again dear author zeke!

Unknown said...

wew....sa wakas nakapag comment din..hehehe...after 2 years ng pagbabasa...waiting for chapter 20..galing galing talaga ni idol :-)

Jace said...

Simulan na yang War na yan!!! ahahaha... nakaka excite... grabe naman yan!! habang tumatagal naeexcite na ko sa Christmas Party nila.. :)

-SupahMinion

Alfred of T. O. said...

This is going to be a nasty fight. Matirang matibay.

Post a Comment