Friday, April 11, 2014

9 Mornings Book2: Chapter 18



Written by: Zildjian
FB Group: ZildjianStories


Author's Note:

Testing lang ito guys kung makakapag-post ba ako o hindi. Ipagdasal niyo na ma-post ko ito para naman ma-post ko na rin ang iba pa nitong chapter. Malapit na kasi silang mag-expire lels!


Kidding aside, kung mabasa niyo ang chapter na ito, isa lamang ang ibig sabihin niyon "TAGUMPAY AKO SA PAKIKIPAGBUNO" sa hinayupak na internet connection na ito. Sorry talaga kung matagal ko itong nasundan. Nagsusulat naman ako, eh. Sadyang mahirap lang talaga mag-post due to incorrect dialing code. HAPPY FRIDAY SA INYONG LAHAT!!!!


DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.




“Alberto’s Hotel?” Naibulalas ni Eros nang pumara sila sa tapat ng isa sa mga kilalang hotel sa lugar nila, matapos nilang makapag almusal sa umagang iyon.


`Di makapaniwalang tingin ang ibinigay niya sa kasintahan. Paano ba naman, may kamahahalan ang hotel na napili nito.


“Yup. Why? Is there something wrong?”


May pag-aalinlangan siyang napabaling sa kanyang kaibigan na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.     At tulad ng kanyang inaasahan, bakas sa mukha nito ang pagtanggi.  Bago pa man kasi ito dumating ay nasabi na nitong naka-budget na ang pera nito at hindi kasama sa budget nito ang tumuloy sa isang mamahaling hotel. Tutal naman daw ay tulugan lang naman ang magiging silbi niyon sapagkat gusto nitong gugulin ang oras sa paglilibot.


Agad niyang ibinalik ang kanyang tingin sa kasintahan na sa mga oras na iyon ay nagtatanggal na ng seat belt.


“Bry, hindi ba masyadong magara naman `ata ang napili mong tutuluyan? Parang hindi `ata praktikal. May katagalan din dito sa atin si Russel at may budget siyang sinusunod.” He tried his best not sound as if binabaliwala niya ang effort nitong matulungan sila.


“Ah, iyon ba? Don’t worry, nakausap ko na si Ace patungkol diyan. Besides,  I personally think that this is the most suitable place for him to stay para mas maging memorable ang unang pagbisita niya sa lugar natin.” Tugon nito saka binuksan na ang pintuan. “Let’s go.”


Wala na silang nagawa pa kung hindi ang magkatinginan na lamang at sundan ang nauna na niyang kasintahan.



“Mukhang pulubi akong babalik ng Maynila. Mabuti na lang at nauna ko ng bayaran ang mga bills ko bago ko naisipang puntahan ka rito sa kaharian mo.” Wika ni Russel matapos nitong mailibot ang paningin sa magarang reception area ng hotel habang ang kanya namang magaling na kasintahan ay hayon at kausap na ang isa sa nasa front desk.


“Kaya ba ng budget mo?” Ang nahihiya niyang wika.


Nagkibit balikat ito.


“Kaya naman. Mababawasan nga lang ang budget ko para sa pagba-barhopping. Ang dami ko pa naman sanang balak puntahang bar.” Matamlay nitong wika. Kung siya kasi ay mga pagkain ang kahinaan niya, itong kaibigan naman niya ay sa pagba-barhopping. Partygoer kasi ito na normal na para sa taong lumaki sa siyudad.


“Pasensiya kana, ha? Hayaan mo’t kakausapin ko ulit si Brian.”


“Huwag na. Baka sabihin pa niyang boyfriend mo na ang lakas-lakas kong magbalak magbakasyon, eh, kulang naman pala ang pera ko.” Nakangisi nitong turan.


Ito ang isa sa mga namana niyang ugali sa kaibigan –ang hindi basta-basta pinu-problema ang mga bagay-bagay.  Isa sa mga ugali nito na naging dahilan para mapalapit siya ng husto rito.

“Akalain mong magagawa mo pang maipanalo ang isang `yan sa kabila ng katotohanang muntik na siyang ikasal.” Biglang pag-iiba nito ng usapan. “Iba talaga ang nagagawa ng isang taong pursigido.”


Dahil nga ito ang pinakamatalik niyang kaibigan ay alam nito ang lahat-lahat sa kanya. Kasama na doon ang kanyang walang kamatayang paghanga sa taong hindi niya sukat akalain na makakarelasyon niya. Minsan nga ay magkasama pa nilang hinahalungkat ang mga pictures nito sa facebook at binabasa ang mga naka-post sa wall nito.


“Hindi nga rin ako makapaniwala na ganito ang kalalabasan ng lahat, eh.” Nakangiti niyang pagsasabi ng totoo rito.


“So, ibig sabihin ba niyan may mga pagbabago na sa plano natin?”


Medyo natigilan siya. Sa sobrang dami ng mga nangyari simula ng makabalik siya sa lugar nila ay nawala na sa isip niya ang tungkol sa bagay na tinutukoy nito.


“Kinalimutan mo, `no? Kung sabagay, maski ako pansamantala akong makakalimot sa mga bagay-bagay kung isa sa mga pinangarap ko ang biglaang magkakaroon ng katuparan.” Nakangiti nitong wika sa kanya.


Ngiming ngiti lamang ang naging sagot niya sa sinabi nito. Masyado siyang naging focus kay Brian na nakalimutan niya ang isa sa mga dahilan kung bakit siya biglaang nagbalik sa lugar nila. At ang masama pa, mukhang kailangan niyang baguhin ang naunang plano nila.


“Nasa mga kamay mo na ngayon ang isang bagay na matagal mo ng pinangarap. So I will understand kung magbabago ang mga naunang plano natin.” Muling wika nito.


“Hindi pa ––”


“Alam na ba ng mga magulang mo?” Putol nito sa kanya.


Umiling siya.


“Naghahanap pa ako ng tamang timing.”


“Eh, siya? Alam na ba niya?” Muling tanong nito na ang tinutukoy ay ang kanyang kasintahan.


Again, ay umiling siya bilang pagtugon.


“Marami na siyang problema para dagdagan ko pa.”


Sinimangutan siya nito.


“Hindi siya mukhang problemado. Iritado pwede pa.”


Sa sinabi nito ay hindi niya napigilan ang mapahagikhik. Mukhang napansin rin pala nito ang kakaibang ipinapakitang pag-uugali ng kanyang kasintahan dito.


“Mabait `yan. Naninibago lang siya sa`yo.”


“Naninibago.” Ang nang-uuyam nitong pag-uulit. “Ang sabihin mo, insecure sa kaguwapohan ko `yang boyfriend mo. Kung sabagay, kahit ang mga boyfriend ng mga ex ko hindi maiwasang magkaroon ng insecurity sa akin.”


“Hindi siya insecure. Walang rason para maging gano’n siya dahil `di hamak na mas guwapo siya sa’yo.” Nakangisi niyang tugon.


“Ah, ganon? Gumaganyan kana ngayon? Baka gusto mong ipaalala ko sa’yo ang ilan sa mga utang-na-loob mo sa akin?”


“Mga utang-na-loob? Sino ba sa ating dalawa ang humaharap bilang boyfriend mo sa mga kalandian mong gusto mo ng ibasura?  `Di ba ako? Pinipilit mo akong magsinungaling sa harap nila.”


Lalo itong sumimangot.


“Bayad na ako sa’yo sa parteng `yon. Aalahinin mong ako ang gumawa ng paraan para makakalap ka ng impormasyon patungkol sa mga kaibigan niyang boyfriend mo.”


Dahil sa mga karumaldumal nitong gawain ay nagkaroon ito ng mga connection sa matataas na tao sa business world kaya ito nakagawa ng paraan para makakalap ng impormasyon sa mga kaibigan ni Brian. Tulad ng mga private emails ng mga ito at kung anu-ano pa. Karumaldumal na gawin na matigas niyang hindi sinasangayunan.


“Wala na akong sinabi.” Pagtatapos niya ng usapan.  Ayaw niyang sa bibig niya mismo manggaling ang mga salitang ayaw na ayaw nitong marinig na hindi maiiwasang mangyari kung papatulan niya ang kwentahan nila.


Nagsalubong ang kilay nito. Nagulat sa biglaan niyang pagtatapos ng usapan pero nang siguro ay ma-realize nito kung bakit ay napabuntong hininga ito.


“I told you that was the last.” Kapagkuwan ay wika nito.


“Iyan din ang sinabi mo sa akin noon.”


“This time I mean it. Hindi na niya ako mahahabol pa sa pupuntahan ko. Tuluyan na akong makakatakas sa mga kamay niya.”


“Russ…”


“Unlike you, marami kang rason para hindi tumuloy, Eros. Nariyan na si Brian na matagal mo ng hinihintay at ang pamilya mo na mahal na mahal ka, kaya naiintindihan ko kung may pagbabago na sa desisyon mo. Tama ng idinamay kita sa magulong mundo ko.”


“Pero paano ka?” Punong-puno ng pag-aalala niyang tanong.


“I’ll be fine. Ako pa!” Nakangiti nitong sabi subalit hindi nakatakas sa kanya ang pagguhit ng lungot sa mga mata nito.





Kita ni Eros kung papaano mapanganga ang kanyang kaibigang si Russel nang makapasok sila sa kuwartong tutuluyan nito. Maski nga siya na kahit malalim ang iniisip ay natigilan rin.


“The last time na ganitong accommodation ang kinuha ko sa hotel na ito ay hindi pa ganito ang hitsura ng pent house nila. Paniguradong kagagawan ito ni Rome.” Ang humahanga ring naibulalas ng kanyang kasintahan matapos mailibot nito ang paningin sa kabuohan ng kuwarto.


“Ito ang tutuluyan ko?” Ang tila nakabawi na sa pagkabiglang wika ng kanyang kaibigan pero hindi pa rin naalis sa mga mata nito ang ibayong pagkamangha. Sino ba ang hindi? The whole interior of the room projects elegance.


“Yep! This will be your hive habang nandito ka sa lugar namin.” Tugon rito ng kanyang kasintahan. “Don’t worry about the bills, it’s all on me. And I will lend you a car and also assign someone to be your personal driver habang nandito ka at naglilibot sa lugar namin. That way, magiging madali sa’yong puntahan ang mga lugar na gusto mo ng walang kahirap-hirap.”


Disbelief. Iyon ang parehong nakarehistro sa mukha nilang dalawa ni Russel nang magsalubong ang kanilang tingin. Parehong hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa bibig ng kanyang kasintahan.


Biglang tumunog ang cellphone ni Brian at nagpaalam ito sa kanila na sasagutin muna ang tawag sa labas. Kinuha agad ni Russel ang pagkakataong iyon para harapin siya.


“Seriously? What the heck is going on?” Tanong nito sa kanya.


“Hindi ko rin alam.” Pagsasabi niya ng totoo. Dahil maski siya ay hindi niya maitindihan kung bakit ginawa ito ng kanyang kasintahan. “Pwede ba muna kitang iwan? Kakausapin ko lang si Brian.”


Tumango naman ito.


Agad nga niyang sinundan sa labas ng kuwarto ang kasintahan. Naabutan niya itong may kausap pa rin sa telepono pero nang makita nitong sinundan niya ito ay agad nitong tinapos ang tawag.


“Si Enes secretary ko. Just giving me an update sa iniwan kong trabaho sa kanya.” Isa sa mga nagustohan niya sa kasintahan ay ang pagre-report nito sa kanya ng lahat-lahat. Mula sa mga personal na lakad nito’t mga business meetings na dinadaluhan, hanggang sa mga taong kinakausap nito sa cellphone without him asking for it. Brian never fails to make him feel special.


“Bry, hindi `ata natin napag-usapan ang tungkol sa pag-shoulder mo sa tutuluyan ni Russel at pagpapahiram sa kanya ng sasakyan at driver.”


“Tinutulan ko ang pagtuloy niya sa inyo na kung saan wala sana siyang babayaran kaya dapat lang na ako ang umako ng hotel na tutuluyan niya. Tungkol naman sa sasakyan at driver, kailangan niya iyon habang nandito siya para hindi kayo mahirapan sa paglilibot.”


“Pero Bry, sobra-sobra naman `ata ito.” Pagtutol niya pa rin. Nakuha naman niya na gusto nitong makabawi  sa pagtutol nitong sa kanila tumuloy ang kaibigan at na a-appreciate niya iyon. Pero hindi niya maatim na mapapagastos ito ng husto.


“Hayaan mo na. Ang importante, alam mong komportable ang kaibigan mo sa tinutuluyan niya para hindi ka na mag-alala pa sa kanya.”


“Marami namang ––”


“May naisip na ba siyang gustong puntahan o gusto na lang muna niyang magpahinga?” Biglang pag-iiba nito ng usapan.  Sa loob ng ilang araw nilang relasyon ay alam na niya ang ibig sabihin niyon  -pinal na ang desisyon nito at hindi na iyon mababago pa.


Napabuntong hininga na lamang siya bilang tanda ng pagsuko. Alam naman niyang kahit ano pang pagtanggi ang gawin niya, hindi na niya mababago pa ang desisyon nito. Ganoon ito sa stubborn minsan.


“Hindi ko pa naitanong.”


Sa muling pagkakataon ay nakita na naman niya ang pamilyar na ekspresyon sa mga mata nito –paghangga. Malapad ang ngiting lumapit ito sa kanya.


“Then let’s ask him.” Wika nito na sinamahan pa nito ng isang matamis na halik saka siya inakbayan at iginaya pabalik sa loob ng kuwarto ng kanyang kaibigan.





Sa pangalawang pagkakataon ay natagpuan ulit ni Eros ang sarili sa loob ng kuwarto ni Brian. Amoy na amoy niya ang pamilyar na bango ng kasintahan sa kuwartong iyon na siya namang naghahatid ng kakaibang kilabot sa kanyang buong katawan.


Kailan ba ang huling pasok niya sa kuwartong iyon? It was a week ago. Noong may mangyari sa kanila. At hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanya ang mga nangyari sa loob ng kuwartong kinaroroonan niya ngayon. Pero sa kabila niyon, hindi rin niya maiwasang magduda kung totoo nga ba na nangyari ang lahat o nasobrahan lang siya sa pag-i-imagine. Na baka dinadaya na siya ng sarili niyang utak.


“Oh, bakit nakatayo ka lang diyan?” Pukaw sa kanya ng kasintahan. Kalalabas lang nito galing banyo at nakatapis lang ito ng tuwalya.


Napakurap siya. Hindi siya dinadaya ng kanyang utak. Totoo ang mga nangyari dahil kung hindi, wala ngayon sa harapan niya ang taong matagal na niyang pinapangarap.


“Ah.. Eh.. I-Ipinatatanong ni Manang Delia kung may iba pa raw ba tayong kailangan.” Tugon niya.


“Bakit? Aalis na ba siya? Hindi na ba siya sasabay sa ating mananghalian?”


Hindi siya nakasagot agad. Napako kasi ang kanyang tingin sa mabalahibo nitong dibdib na sa mga oras na iyon ay may butil-butil pa ng tubig at sa nakakapanlaway nitong katawan.


“Eros?” Untag nito sa kanya.


“Ah… kuwan.. G-Gagabihin raw siya sa daan kung sasabay pa siya sa atin.” Kahit anong pilit niyang iiwas ang tingin rito ay hindi niya magawa. Na-magnet na `ata ang kanyang tingin sa magandang tanawin.


“Kung sabay.” Kibit-balikat nitong tugon.


Naglakad ito at tinungo ang cabinet ngunit ang sumunod na nangyari ay nagpalaki ng mga mata niya. Inalis nito ang tanging tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito at tuluyang tumabad sa kanya ang makinis nitong pang-upo. Hindi pa ito nakontento, humarap pa ito sa kanya na siyang nagpanganga naman sa kanya.


‘Oh, God!’ Naibulalas niya sa kanyang isipan.


“Kung maka-react ka parang ito ang unang pagkakataon na makita mo akong hubo’t hubad.”


Biglang siyang nag-panic. Paano ba naman, nasa harap na niya ngayon ito. Ganoon ba katindi para sa kanya ang makita itong walang kahit na ano mang suot para hindi niya mapansin ang paglapit nito sa kanya? Mukhang hindi pa rin siya sanay na nakikita ito sa ganoong ayos.


“Ah.. Eh..” Iniwas niya ang tingin dito at akmang aatras sana siya para gumawa ng distansiya sa kanilang dalawa pero maagap siya nitong nahawakan sa kanyang kaliwang kamay.


“Saan ka pupunta?” Nakangisi nitong tanong. “


“S-Si M-Manang. Naghihintay sa kusina sa atin si Manang Delia at ang mga pagkaing niluto niya.”


Muli na namang nanlaki ang kanyang mga mata nang ipatong nito ang hawak nitong kamay niya sa mabalahibong dibdib nito.


“Nanginginig ang kamay mo, ah.” Wika nito sa nang-aakit na boses. “Natatakot ka ba sa nakikita mo?”


“H-Hindi, ah!” Alma niya.


“Kung gano’n bakit hindi mo ako matingnan ng deretso?” Ani nito sa nang-aakit na boses na nilakipan pa nito ng mumunting halik sa kanyang leeg. Inaakit siya nito!


Iginaya nito ang kanyang kamay mula sa dibdib nito pababa. As if instructing him to touch him more. Bigla tuloy siyang natuyuan ng laway.


“Alam mo bang isa pa sa mga katangian mo na nagustohan ko sa’yo ay ang uri ng paghawak mo sa akin?”


Wala. Hindi niya magawang makatugon dahil sa ginagawa nitong paghalik-halik sa kanyang leeg. Pakiramdam niya tuloy ay para siyang kandalinang unti-unting natutunaw sa apoy na likha nito.


Kumilos ito para dampian ng halik ang kanyang labi. Mabilis lamang iyon pero ang naging epekto niyon sa kanya ay nakakapanggilalas. Aminado naman siya na pagdating dito ay nawawala talaga ang control niya sarili kaya nga nangyari ang hindi dapat nangyari sa kanila noon, eh.


“Brian? Eros? Lalamig na ang mga pagkaing hinanda ko.” Sabi ni Manang Delia mula sa likod ng pinto. “Lumabas na kayo riyan.”


Doon lang muling bumalik ang kanyang katinuan. Agad siya gumawa ng distansiya sa pagitan nilang dalawa.


“D-Doon na lang kita sa kusina hihintayin.” Wika niya at nagmamadaling tumalikod at tinungo ang pintuan.


“Pambihira naman si Manang!” Ang narinig pa niyang reklamo ng kanyang kasintahan bago siya tuluyang makalabas.


Nakaupo na si Eros sa hapag pero hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nila ng kasintahan. Wala sa sarili siyang napangiti. Kung hindi sa pambubulabog ni Manang Delia malamang sa malamang ay mauulit ang nangyari noon sa kuwarto iyon. Napailing na lamang siya.


“Hindi ka na raw sasabay sa amin Manang?” Wika ni Brian nang sumulpot ito sa kusina. Naka sando na ito at naka boxer.


“Hindi na. Baka gabibhin pa ako sa daan.” Tugon naman ng matanda.


Naglakad ito at tinungo ang ref at may kinuha sa ibabaw niyon na isang sobre saka nito muling hinarap ang kasambahay.


“Heto ang pinangako ko sa’yo. Kasama na riyan ang pamasko ko sa mga anak ninyo’t apo.” Kung may isang bagay man na hindi binago ng mga nangyari dito ay iyon ay ang kabaitan nito at ang pagpapahalaga nito sa mga taong malapit dito.


Nag-aalangan man ay tinanggap iyon ni Manang Delia.


“Salamat, anak. Pagkatapos mismo ng pasko, nandito na ako.”


“Hindi ko kayo minamadali. Kahit pagkatapos ng New Year na kayo bumalik.” Tugon naman nito saka siya dinaluhan sa hapag. “Narito naman si Eros para samahan ako kaya wala kayong dapat ipag-alala sa akin.” Saka ito tumingin sa kanya at kinindatan siya.


Hindi niya maiwasang mamula. Nakadama siya ng hiya sapagkat hanggang ngayon, hindi pa siya masyadong sanay na abot kamay na niya ngayon ang taong dati ay akala inakala niyang hanggang pangarap na lamang niya..


“Siya siya. Kung `yan ang gusto mo. Paniguradong matutuwa ang mga apo ko na matagal-tagal ang magiging bakasyon ko ngayon.” Nakangiting wika ni Manang Delia.


“Yeah! You should enjoy your long vacation as I enjoy mine.” Makahulugan namang Brian habang sa kanya nakatingin. Naroon na naman ang nang-aakit nitong tingin at malokong ngisi.


Nagpaalam na nga sa kanila ang matanda at tinungo na ang kuwarto para kunin ang mga gamit na dadalhin. Pagka-alis na pagka-alis nito ng kusina ay ibinaling niya agad sa kanyang plato ang tingin. Mahirap na, baka bigla na naman siyang mawala sa sarili at kung saan na naman mapunta ang lahat.


“Seven nagpapasundo si Russel, right?” Basag nito sa namuong katahimikan sa kanila.


“Yup.”


Nang balikan nila kanina sa kuwarto si Russel at tanungin kung ano ang plano nito ay pinili muna nitong magpahinga. Medyo nahihilo pa raw ito gawa ng byahe kaya napagkasunduan na lamang nila na magkita-kita mamayang gabi sa hotel na tinutuluyan nito.


Gusto sana niyang magpa-iwan para makapag-usap sila ng kaibigan dahil sa mga gumugulo sa kanya pero tinanggihan ulit ito ni Brian. Dapat daw ay bumawi sila ng tulog para may lakas silang mag-bar mamayang gabi na siyang unang gustong gawin ng kanyang kaibigan. Subalit imbes na iuwi siya nito sa bahay nila para doon magpahinga ay sa bahay nito siya dinala.


“Good. Matagal-tagal pala kitang maso-solo ngayon. Tamang-tama wala ng disturbo.” Magiliw nitong wika. “Let’s eat.”




Itutuloy:

24 comments:

Unknown said...

Yay! I miss this! :)

TheLegazpiCity said...

OMG!!!! Next Chapter PLEASE!!!!

hahaha...I can't imagine what's next... love,love,love...

manila_sex_actor said...

Nice

Very nice

Very very nice

MigiL said...

napapangiti ako sa mga reactions ni Eros hahahaha..thnx kuya zeke :D

Anonymous said...

hmmm may tinatakbuhan si russel! exciting! ty zeke! :]

Unknown said...

yehey!!!! meron na update salamat zeke!!!! mwah!!!! miss you much!!!! basa basa na ako...

lex said...

Perfect BF si Brian <3 <3 <3

Unknown said...

ahmmmm may tinatakasan si Russel baka naman ung tinatakasan niya makita niya dun... interesting... at ano kaya un sinasabi ni russel patungkol kay Eros.... si brian pervert nnamn grabehhhh ako nga pala si EROS.... hehehehehehe thanks zeke.... pag natpaos ito uulitin ko ulit basahin... mwah mwah mwah!!!!

luilao said...

Yun me update na.. Thanks!!!!

Anonymous said...

Weeeeeeeeew!!!!!

Welcome back boss!

Tagal ah. Hmmmp!

-PanCookie

Unknown said...

ayyyiiiiieeee,e etttoooo naaaaaaa ,, maligayang pagbabalik,,, hehehe

Anonymous said...

Bat ganon, naramdaman ko rin yung naramdaman ni eros noong silang dalawa lang sa kwarto? Haha galing katindig balahibo

Anonymous said...

woo.. miss ko toh.. haha

grabeh.. ganda.. kilig to the bones.. :)

-jec

argel said...

cute ng scene sa kwarto! hahahaha demure si eros! hahaha

Migz said...

Thanks Zeke! The BEST!!!

Chants said...

Nakikiliti ako sa mga balahibo ni Brian!!! hahahaa chots lng! hahaha thnx kuya zeke <3

Anonymous said...

i really miss it


jc

Sam said...

welcome back Mr.Author! nice chapter! super kilig!

Unknown said...

basa mode plng ako kuya zeke!

Ryge Stan said...

nice this is great may update na...

have agreat day zake and keep it up.

Anonymous said...

Antagal kong naghintay sa wakas! Kuya Zeke ipopost nyo po ba ang ibang finish strories nyo sa wattpad? Sana po mapost nyo i followed you, hindi kasi kompleto yung series nyo eh. One more thing i've been meaning to post my own fictional gay story, I wish to email it to you and hopefully po mareview nyo - if im not taking up to much of your tim - kung karapat dapat syang ipost sa blog nyo :)

#StripMe

Anonymous said...

ayun oh..


pangz

Jace said...

eto pa lang ako sa Chapter 18.. may dalawang Chapter pa.. XD

tama nga naman si Bry.. mas magiging memorable ang pag stay ni Russ kung sa pinakamagandang Hotel sya magstay.. ahaha.. XD

kakaibang kilig naman ang hatid nitong BrianEros loveteam na toh... ahihihih.. :D

oh next chapter na babasahin ko.. :)

-SupahMinion

Jace said...

eto pa lang ako sa Chapter 18.. may dalawang Chapter pa.. XD

tama nga naman si Bry.. mas magiging memorable ang pag stay ni Russ kung sa pinakamagandang Hotel sya magstay.. ahaha.. XD

kakaibang kilig naman ang hatid nitong BrianEros loveteam na toh... ahihihih.. :D

oh next chapter na babasahin ko.. :)

-SupahMinion

Post a Comment