Tuesday, October 4, 2011

After All Chapter 05


Balik na po ako sa every other day posting ko. Ito na po ang chapter 5 nang After all at muli gusto kong pasalamatan ang mga taong walang sawang nagbibigay nang suporta nila sa akin na sina.
Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion, Mikimer Araneta, at sa mga Silent Readers ko sana mag iwan naman kayo ng comment sa susunod.. :) Ingatz tayo lageh.... Zildjian

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
*********************************


Napakunot noo ako nang makita ang pangalan nang caller sa main screen. Nag aalangan man ay napag desisyunan kong sagutin nalang ito baka sabihin pa nya na ako ang talo sa ginagawa nyang pakikipag laro sa akin. Di ako mag papatalo sa laro mo gago ka. Ang nasabi ko sa aking isip habang nagpupuyos sag alit.
“Ano ang kailangan mo at paano ako nag karoon nang number sayo?” Agad kong bungad sa kanya.
“Relax lang. Ako nag lagay nang number ko dyan sa cp mo habang mahimbing ang tulog mo kanina.” Ramdam ko ang panunuya sa boses nito kaya naman uminit bigla ang tenga ko.
“Ano pa ba ang gusto mo sa akin? Nakuha mo na ang gusto mo ano pa kailangan mo?” Ang galit kong tanong sa kanya sa sobrang pagkapikon.
“Woah! Para namang sinabi mo na minolestya kita.” At tumawa ito nang nakakagago.
“Hindi ngaba? Pinag samantalahan mo ako naturingan ka pa namang pinsan nang kabarkada namin.” May diin kong sagot dito.
“Hey hey hey! Eh di mag sampa ka nang kaso. Kung gusto mo ako pa hahanap nang abugado para sayo.” Pangiinis pang lalo nito sa akin.
“Ano ba kasi kailangan mo sa akin?”
“Simple lang naman. Gusto kitang ayain mag dinner.” Simpleng sagot nito na parang wala syang atraso sa akin.
“Dinner?” Paninigurado kong tanong. “What made you think na sasama ulit ako sayo after what happened? Nag papatawa kaba?” Ganting pangaalaska ko sa kanya.
“So predictable Red.” Sabi nito sa akin. “Im 100 percent sure.” Sabay tawa nanaman nito sa kabilang linya.
“Wag kanang umasa.”At binabaan ko sya nang telepeno.
Hindi ko alam kong ano ang gusto at binabalak sa akin nang taong yon. Sobra kung makapangasar si gago pero sisiguraduhin kong hindi ako mag papatalo sa kanya.
Ilang minuto pa ang dumaan at isa-isang nagsidatingan ang mga empleyado namin sa bar. May apat kaming sinuswelduhan. Isang barista, isang tagapangasiwa nang mga short orders at dalawang all around.
Agad ko namang inutusan ang isa na bumili nang Ice para mamaya. Habang ang isa naman ay sinimulang ayusin ang mga lamesa. Ang maganda dito sa mga nakuha namin ay hindi mga tamad. Pag walang ginagawa ang isa hindi na kailangang pagsabihan pa para tumulong.
Pasado ala sais nang dumating sina Tonet at Carlo. May dala nga itong ulam para sa amin. Matagal na naming trip ang magdala kung ano ang pweding dalhin kahit nung high school palang kami.
“Parekoy san ka nang galing kagabi at bigla ka nalang nawala?” Tanong sa akin ni Carlo.
“Isinama ako nang kaibigan ko pare.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
“Sinong kaibigan naman yon? Bakit di mo dinala motor mo?” Sabat naman ni Tonet na busy sa pag hahanda sa lamesa.”
“Ahh..Ehhh si.. Kalaro ko nang basketball?” Nag aalangan kong sabi sa kanila.
“Bakit kami tinatanong mo? Malay ba namin kong kalaro mo yon oh hindi. Nagsisinungaling ka ata eh.” Umandar nanaman ang pagiging detective ni Tonet habang pareho silang may di naniniwalang tingin sa akin.
“Ako? Nag sisinungaling? Hindi Ah!” defensive kong sagot sa kanilang dawala.
“Anyway, Tumawag si Ace kanina nung nasa bahay kami nina Mina. Galit na galit dahil daw pinag tulungan natin sya.” Si Tonet.
Agad namang naging intersado ako sa sinabi ni Tonet. Gusto kong malaman kung ano na ang nang yayari kay Ace sa isla.
“Talaga? Kumusta daw sya? Okey na ba sila?” Ang sunod sunod kong tanong dito.
“Halatang di ka intersado kay Ace noh?” Pambubuska nito sa akin na ikinamula ko naman. “Okey naman siguro yun. Kasama nya naman si Rome doon kaya di yon mapapahamak. Pero sa tingin ko di pa sila okey.” Dagdag pang sabi nito.
“Siguradong di palalampasin ni pareng Rome ang pagkakataon. Panigurado magiging okey din sila.” Sabat naman ni Carlo.
Lumungkot bigla ang mukha ko sa narinig. Alam ko kasi na pag naging okey na si Rome at Ace ay bihira ko nalang ulit itong makikita ganon naman kasi lagi. Napansin ni Tonet ang biglaang pagpapalit ko nang mood.
“Bakit ka biglang nalungkot dyan? Di ba ikaw naman ang may gusto na magkabati na sila para sumaya na ulit si Ace?”
“Oo.” Matipid kong sagot dito.
Agad akong inakbayan ni Carlo sabay sabing. “Okey lang yan pare lilipas din yan.”
Nagtaka naman ako sa sinabi nito wala naman kasi silang alam sa nararamdaman ko hindi ko naman ito sinabi sa kanila.
“Lilipas? Anong lilipas?”
“Denial ka rin noh?” Banat ni Tonet. “Halata naman kahit di mo sabihin na nahuhumaling ka rin kay Ace.”
Pinamulhan ako sa sinabi ni Tonet. Ganun na pala ako sa transparent sa kanila. Biglang umandar ang pagka defensive ko.
“Nahuhumaling? Barkada natin yon ulol.” Sabay bigay nang peking tawa.
“Etchusero.” Dinig kong pabolong na sabi ni Tonet.
“Kumain na nga lang tayo gutom lang yan.” Pagiiba ko nang usapan.
Wala na silang nagawa. Sinimulan na naming kumain habang pinag uusapan ang income namin nung nakaraang gabi. Ine-explain ni Tonet kung ano ang mga dapat bilhin araw-araw. Talagang mahirap pala ang ganitong negosyo sumakit ulo ko sa dami nang sinabi ni Tonet.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas muna kaming tatlo para makapag pahangin at makapag yosi na rin. Dinalhan din ni Tonet nang pagkain ang mga bar attendants namin at pinakain na rin habang wala pang tao. Ganun si Tonet sobrang mapag mahal sa mga tao.
“Wow! Full moon pala ngayon! Im sure mag eenjoy sina Ace at Rome sa isla.” Di ko alam kung sinadya talaga ni Tonet na papagselosan ako.
“Oo nga noh. Magandang maginum ngayon sa may tabing dagat.” Dagdag wika naman nang bestfriend kong may topak din ang ulo.
“Eh di pumunta kayo nang dagat.” Sabat ko sa dalawa.
Tinawanan lang ako nang dalawa. Isa-isa na ring nag sisidatingan ang mga tao sa bar. Karamihan ay mga estudyante mula sa malapit na University. Pares pares ang mga ito at ang iba naman ay isang groupo.
“Grabe ang daming love birds ngayon. Ikaw ba Red walang lovelife?” Nanunuyang tanong sa akin ni Tonet.
“Marami.” Sabay tawa nang nakakagago.
“Ows? Bakit wala kapang pinapakilala sa amin?”
“Wala lang di ko lang trip ipakilala sa inyo.” Simpleng sagot ko dito.
“Di mo lang trip o wala ka talagang maipakilala sa amin?” Sabat naman ni Carlo.
“Bakit nyo ba ako pinag tutulungan?” Inis inisan kong reklamo sa kanilang dalawa.
“Katulad ka rin ni Ace eh. Pareho kayong mga denial.” Sagot ni Tonet sabay tawa nito na parang kontrabida.
“Babe, wag mo masyadong inisin yan baka umiyak.” Gatong pang pangaasar ni Carlo.
“Ulol!” Sabay tawa naming tatlo.
Nasa ganun kaming usapan nang may makita akong pamilyar na kotse na nagpapark sa kabilang kalsada. Agad umusbong ang kaba sa aking dibdib nang makita kong bumababa sa sasakyan nya si Dorwin.
Napatingin rin ang dalawang magkasintahan sa gawi nito.
“Di ba yon ang pinsan ni Ace?” Si Carlo sabay turo pa nito sa papalapit na si Dorwin.
Di ako nakasagot dahil sa sobrang ka ba. Kumaway pa ito sa amin nang makita kami.
“Hey guys. Ano meron ngayong gabi?” Tanong nito nang makalapit sa amin.
“Full Moon?” Malokong sagot ni Tonet na ikinatawa naman nito.
Nanatili lang akong tahimik.
“Oo nga noh.” Pag sangayon nito habang nakatingala at nakatingin sa bilog na buwan. “Mukhang sakto ang pagpunta ko ah.”
“Inuman tayo?” Tanong ni Carlo dito.
“Oo ba! Yan eh kung okey lang kay Red.” Sagot naman ni Dorwin.
Binigyan ko ito nang isang peking ngiti. Dahil sa loob loob ko gusto ko na talagang sapakin ang taong ito.
“Naginuman palang kasi tayo kagabi under recovery pa ako.” Simpleng pagtangi ko sa kanila.
“At kelan ka pa natutong tumangi sa inuman?”Ang nakapamiwang na sabi ni Tonet sabay taas nang isang kilay nito.
“Oo nga naman parekoy kelan kapa tumangi?” Dagdag pang wika ni Carlo.
Napalingon ako sa gawi ni Dorwin kita ko na nakangiting aso ito sa akin. Agad kong binawi ang aking tingin dito sabay sabing.
“Baka di ko maasikaso ang bar kung uminom ako kayo nalang muna.”
“Don’t worry Red parating na sina Mina at Chad. Hindi naman ganun ka lakas uminum si Mina kaya pwedi syang mag take over ngayon.”
Wala na talaga akong lusot. Kita ko ang pigil na pagtawa ni Dorwin alam kong pinag didiwang nito ang pagkapanalo nya.
Dahil may tatlong naman kaming umbrella table sa labas nang bar para sa mga costumer na ang trip ay ang magpahangin at makapag usap nang matino. Pinili ni Tonet na don kami pumuwesto.
Agad na tinawag ni Tonet ang waiter na kumukuha nang mga oders at sinabihang mag serve ang isang bucket nang San Miguel Light. Um-order din ito nang nachos para sa pulutan. Yon daw kasi ang bagay sa San Mig Light.
Kwentohan tungkol sa trabaho ni Dorwin ang unang paksa namin. Doon ko napag alaman na Abogado pala ang lokong yon at may sariling opisina. Napag alaman din namin na kapatid nang Mommy ni Ace ang papa nya at may kambal sya na katulad ko ay Electrical Engineering din ang natapos.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating naman sina Chad at Mina. Lahat sila ay sobrang bilib kay Dorwin dahil sa edad nitong 25 ay isa na itong magaling na lawyer.
Nanatili lang akong tahimik at nakikinig lang sa kanilang usapan. Hindi ako komportable sa presenya ni Dorwin. Alam ko kasing may binabalak na naman itong kalokohan kita ko sa mga mata nito habang paminsan minsan ay tumitingin sa akin.
“Bakit tahimik ka Red?” Pamumuna ni Mina sa akin.
Isa ring tanong ang isinagot ko dito.
“Asan si Angela?”
“Wala, Di daw sya makakarating ngayon masama daw pakiramdam.” Sagot naman nito.
“Ah ganun ba? Okey naman yon kanina nang tumawag sa akin ah.”
“Teka nga pala. San ka ba nagpunta kanina bakit bigla kang nawala?”
Hindi ako nakasagot sa tanong nito. Napalingon ako sa gawi ni Dorwin na may kaba dahil sa takot na baka ibuko ako nito.
“Ako ang kasama nya kanina.” Magiliw na sagot nito sa mga kabarkada ko.
Kita ko ang pagkabila nang mga ito sa nalaman. Habang si Tonet ay napa tingin sa akin na nakataas ang kanyang kilay. Lumakas ang kabog nang aking puso sa mga susunod na sasabihin ni Dorwin.
“Talaga? Nag babasketball Karin?” Tanong ni Tonet dito.
“Dati, pero ngayon hindi na.”
“Kasi sabi ni Red kalaro daw nya nang BASKETBALL eh.” Pag bibigay diin nya nang salitang basketball. “So matagal na pala kayong magkakilala?” Dagdag pang wika nito.
“Hindi kagabi lang kami nag kakilala nung ipakilala kayo sa amin ni Pinsan.”
Tumingin ang dalawang mag syota sa akin na may pagtataka sa kanilang mga mata. Hindi ko alam kong ano ang idadahilan ko.
“So magkatabi kayong natulog?” Nag tatakang tanong ni Tonet.
Binigyan ko nang isang nagbabantang tingin si Dorwin. Isang tingin na nagsasabing wag nyang sasabihin ang totoo.
Itutuloy:
























Sunday, October 2, 2011

After All Chapter 04


Ito nap o ang chapter 4 ng After All. Salamat sa mga nag cocomment na sina
Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), R3b3l^+ion (sawakas napa comment na rin) at sa mga Silent Readers ko sana mag ewan naman kayo ng comment sa susunod.. :)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
***********************************


Nagising ako dahil sa nanunuyot ang lalamunan ko napatingin ako sa relo ko. Hala mag aalis tres na pala nang hapon. Ang nasabi ko sa aking sarili.
Sobrang sakit nang ulo ko isama mo pa ang bigat nang pakiramdam dahil siguro sa lakas nang tama nang nainum ko kagabi. Hindi pamilyar sa akin ang amoy nang kama na kinahihiyagaan ko iba ang amoy nito sa kama ko. May kaba man ay dahan dahan akong tumingin sa taong naka higa sa tabi ko. Laking gulat ko nang makita ang mukha ni Dorwin na mahimbing na natutulog. Shit what the hell happened? Ang nasabi ko nalang sabay hawak sa aking noo na parang pilit inaalala ang mga nang yari kaninang madaling araw.
Mas lalo pa akong nan lumo nang mapansin ko ang mga nag kalat kong saplot sa baba nang kama. Don ko lang na pansin na hubot hubad pala ako. Muli tiningnan ko ang tulog na si dorwin pareho kaming natatakpan nang makapal na kumot. Gumalaw ito sa pagkakahiga at nag palit nang posisyon dahilan naman para makita ko na wala rin pala itong suot na pang itaas. Umusbong ang matinding kaba sa akin. Halos tumalon na ang puso ko sa lakas nang pagkabog nito.
Dahan dahan kong inalis ang kumot at tumayo sa kama para kunin ang aking mga saplot. Pababa na sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Oh crap!! Ang nag papanic kong sabi sa aking sarili dahil sa takot na magising si Dorwin. Balak ko sanang tumakas nalang para makaiwas sa kahihiyan. Agad kong kinuha ang pantalon ko na nasa may paanan nang kama at sinagot ang tawag.
“Hello?” Ang mahina at kinakabahan kong sagot sa taong tumawag sa akin.
“Bakit di kana bumalik kanina? Nag aalala kami sayo alam mo ba yon?” Bungad sa akin ni Angela sa kabilang linya.
“ahh.. ehhh ano kasi..” Mahina ko paring sagot sa kanya.
“Ano? Bakit ba ang hina nang boses mo? Naku may ginahasa ka nanamang babae noh?” Walang preno pa nitong sabi.
“Wala!” Ang napalakas kong sagot dahil umandar ang pagka-defensive ko. Pati ako ay nagulat sa aking naging reaksyon kaya na pa takip ako sa aking bibig at napalingon. Kita ko na gising na pala si Dorwin at nakangiti sa akin. Agad akong umiwas nang tingin at tumalikod ulit sa kanya.
“Mamaya kana tumawag Angela kagigising ko lang.” Sabi ko dito na nasa boses parin ang kaba.
“Hindi pwe…” Hindi ko na sya pinatapos pa. Agad kong ibinaba ang tawag sabay off nang cellphone ko. Alam ko kasing kukulitin nya ako hanggang sa umamin ako sa hinala nya. Ganun ka kulit ang babaeng yon.
Naibaba ko na ang tawag pero hindi parin ako makalingon kay Dorwin sa sobrang hiya at kaba. Wala akong maisip na idadahilan o sasabihin sa kanya. Nawala ang mga rason na lagi kong ginagamit sa mga babaeng na uuto ko nung una sa tuwing matatapos ko nang makuha ang gusto ko sa kanila. Para akong baguhan sa lagay ko ngayon.
“Di ka ba nilalamig dyan?” Narinig kong sabi nito. Napalingon ako sa kanya at nakita ko syang nakangiting aso sa akin.
“Kung ganyan ba naman ka gwapo at ka matcho ang sasalubong sa akin pagising ko siguradong gaganahan akong mag trabaho.” Wika pa nito.
Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Abat talagang flirty tong isang to ah. Ang nasabi ko sa aking sarili.
“Di ko alam na mahilig ka palang manamantala sa isang lasing .” Ang nanunuya kong sagot sa kanya sa sobrang pagkainis.
“Ikaw pinag samantalahan ko? Hmmmm” Sagot naman nito sa akin sabay lagay nang hintuturo nya sa kanyang sentido na parang nag iisip. “Kung tama ang na aala-la ko ikaw ang unang humalik sa akin kagabi.” Dagdag pang wika nito sabay flash ulit nang nakakagagong ngiti.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Pilit kong binalikan ang mga nang yari kaninang madaling araw. Isa isang bumalik sa akin ang mga nang yari kagabi. Ang pagiinuman namin at ang panaginip ko na nag hahalikan kami ni Ace.
Namula ako bigla.
“Seems like bumalik na ang ala-ala mo ah.” Pang aalaska pa nito sa akin.
“Look, wala akong planong makipag argumento sa iyo. What happened kanina ay isang pagkakamali lang dahil sa kalasingan ko.” May diin kong sabi sa kanya.
“I know. Ace nga ang pangalang tinatawag mo nung nasa rurok ka nang kaligayahan eh. But I cannot deny the fact na nag enjoy ako sa laki nyan.” Sabay turo nito sa kargada ko.
Hindi ako naka sagot. Talagang sobra kung makapag flirt tong isang to.
“At bago ko makalimutan.” Bumangon muna ito sa pagkakahiga at lumapit sa akin. Dahan dahan nyang inilapit sa aking tenga ang kanyang mukha. Napa ilag naman ako bigla sa pag aakalang hahalikan nya ako. Pinigilan ako nito at bumulong. “Your kiss was damn hot.” Sabay tawa nito nang nakakagago.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo at pinulot ang brief ko na nasa sahig parin. Mabilisan ko itong isinuot.
“Mas hot ka tingnan pag hubot hubad kalang.” Banat nanaman nito sa akin.
“Nasan ba ako? Gusto ko nang umuwi.” Pag iiba ko nang usapan namin at isa-isang isinuot ang mga natitira kong saplot.
“Nasa bahay ko.” Matipid nitong sagot sa akin kasabay nang paglabas nito sa kwarto nya.
Napanganga ako sa ginawang pag iwan nito sa akin. Parang na insulto ako sa ginawa nyang pag talikod hindi ako sanay na ako ang huling naiiwan sa kwarto pagkatapos kong makuha ang gusto ko sa mga babae. This time parang ako ang naloko at ako ang nagamit.
May inis na sinundan ko sya at naabutan ko syang nag hahanda na nang makakain sa kusina. Lalabas na sana ako nang bahay nito nang bigla itong mag salita.
“Salamat kanina ah at salamat sa souvenir!” Sabay taas nito nang cellphone nya habang busy itong nagiinit nang ulam sa microwave.
Napalingon ako ulit sa kanya at binigyan sya nang nagtatakang tingin. Siguro na ramdaman nyang nakatingin ako sa kanya kaya muli itong nag salita.
“I just can’t get enough of you kaya kinunan kita nang picture kanina habang nakatayo pa ang junior mo.” At tumawa nanaman ito nang nakakaloko.
“Picture?? Gago kaba? Pinag samantalahan mo na nga ako di kapa na kuntento!” Ang galit kong sagot sa kanya.
“Correction, hindi kita pinag samantalahan ikaw ang gumawa nang first move na tukso lang ako.” Wika nito sabay harap sa akin para maipakita nito ang nakakalokong ngisi nya.
Nang gigigil akong lumabas nang bahay nya. Mabuti nalang at nakapag pigil ako dahil kung hindi baka napatay ko pa ang taong yon. Rinig ko ang malakas na pagtawa nito sa loob.
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at ine-on ito. Dali dali kong tinawagan si Angela.
“hello asan ang motor ko?” Tanong ko sa kanya.
“Nasa loob nang bar. Pinasok ni Carlo sa loob dahil baka nakawin.” Sagot nito sa akin.
“Ah ganon ba sige puntahan ko nalang.”
“San ka ba kasi? At bakit umalis ka na hindi nag papaalam sa amin?”
“Mahabang storya. Sige kunin ko pa ang motor ko.”
“Tawagan mo si Tonet may sasabihin ata sayo.”
“Sige.” Sabay putol nang linya.
Agad akong nag hanap nang masasakyan papunta sa downtown area para kunin ang motor ko. Habang nasa daan muling bumalik sa akin ang mga nangyari sa bahay nang pinsan ni Ace. Napailing nalang ako sa katarantaduhan nang pinsan nyang yon. Kung tutuusin magandang lalaki ang pinsan ni Ace maamo ang mukha at di makakailang malakas ang appeal nito. Mas malakas pa nga ata ang appeal nito sa akin. Wala sa hinagap ko na mapag samantala pala yung Dorwin na yon.
Nang matanggal ko ang kandado nang bar ay agad kong inilabas ang motor ko at winarm up ito. Pumunta muna ako sa Mercury drugs para bumili nang maiinum.
Mga ilang yosi pa ang naubos ko sa bar bago ako nag desisyong umuwi. Mas gusto kong nasa labas lang ako kesa nasa bahay na puro sakit nang ulo at problema lang ang maririnig mo mula sa asawa ng mama ko.
Dumating ako sa bahay na mag aalas singko na nang hapon. Actually umuuwi lang ako para matulog, mag palit nang damit at kumain. Tapos agad akong aalis at tatambay sa kung saan saan makaiwas lang sa argumento.
“San ka natulog kagabi?” Ang bungad na tanong sa akin ni Mama.
“Don na po ako natulog sa bahay nang kabarkada ko.” Pag sisinungaling ko dito.
“Kumain kana. Baka mag singabot nanaman kayo nang Tito Raul mo mag aaway nanaman kayo.” Sabi nito sa akin.
Ito ang dahilan kung bakit may hinanakit ako sa aking ina. Dahil hindi nya ako makayang ipagtangol sa kanyang asawa. Halos pati sya parang gusto na rin akong ipagtabuyan. Kung tutuusin walang karapatan ang asawa nya sa bahay na ito dahil bahay ito ng ama ko. Conjugal property ito at wala sa batas na pweding mag hari harian ang bago nyang asawa. Pero ano ang magagawa ko anak lang ako.
Itinapon ako ni mama sa manila para daw maiwasan ang bangayan namin nang asawa nya pero sigurado ako na ang asawa nya ang may gusto na doon ako mag aral para mawala ako sa paningin nya. Noon, pag umuuwi sya na lasing ako ang pinag didiskitahan nya halos manhid na ang katawan ko sa pambubugbog nito. Pero simula nung mag high school ako hindi na nya magawa sapagkat natuto na din akong ipag tanggol ang sarili ko. Sarili ko nalang ang pwedi kong maasahan dahil ang sarili kong ina hindi ako kayang maipag tangol sa kanya. Wala itong ibang ginawa kong hindi ang magiiyak.
“Anak yung sa insurance company tumawag. Gustong itanong kong kelan mo daw kukunin ang pera since ikaw naman ang beneficiary ng papa mo at of age kana.” Sabi nito sa akin habang kumakain. Hindi ako sumagot nanatili lang akong nakinig sa kanya.
“Sabi nang Tito mo baka pwedi daw gamitin lang muna namin ang pera para pang dagdag sa negosyo nya.” Pag papatuloy nito na ikinainit nang tenga ko.
“Pera yon ni papa ma. Pera ko yon inagaw na nga nya ang karapatan ko sa bahay na ito pati ba naman ang insurance ni papa aagawin pa nya? Paano naman ako?”
“Ibabalik naman daw nang Tito mo pag gagamitin mo na. Wala ka pa naman daw sariling pamilya anak.” Pag pipilit pa nito sa gusto nang magaling nyang asawa.
“May pera ka din namang nakuha sa diba? Bakit hindi pera mo ang gamitin mo? Bakit nyo ba hinahayaan yang asawa nyo na ibaon ako. Tunay nyo din naman akong anak ah.” Reklamo ko sa kanya.
“Anak, ginamit ko na ang pera ko sa pagpapaaral sayo sa manila. Yung natira ay sa mga pangangailangan natin dito sa bahay at baon nang mga kapatid mo.
“Bubukod na ako dito at gagamitin ko ang pera ko para makabili nang bahay. Pasensya na kung hindi ko kayo mapag bibigyan.” Sabay tayo ko para sana maligo na.
“Anak please.” Pag susumamo nito. “Hindi mo naman kailangang bumukod, bahay mo rin naman ito.” Dagdag wika pa nito.
“Hindi? Eh Halos ipagtabuyan mo na nga ako dito para lang di magalit yang asawa mo. Hindi nga ako makauwi sa tamang oras dahil na tatakot ka na magsingabot kami diba? Papauwiin mo lang ako kung tulog na sya o wala na sya dito sa bahay. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na ang bahay na pinagpaguran ni papa na itayo para sa atin ay iba na ang nag hahari harian?” Panunumbat ko sa kanya. Hindi ito na ito nakapag salita pa.
“Ang sakit ma dahil wala akong ibang matakbuhan sa mga panahon na kailangan ko nang magulang.” Sabay alis at tinungo ang kwarto ko. Gusto ko nang makaalis sa impyernong bahay na yon. Ayaw ko nang mag drama pa naubos na kagabi.
Nang matapos akong maligo at makapag bihis agad kong na alala ang sinabi ni Angela na nagpapatawag pala sa akin si Tonet. Tinawagan ko naman agad ito.
“Hello Red! Buti naman at nagparamdam kana. San ka ba napadpad kanina?” Bungad nito agad sa akin.
“Kung saan saan lang. May sasabihin ka daw?”
“Oo, pupunta kami mamaya ni Carlo sa bar para maibigay sayo ang first income natin kagabi. Meron pa naman tayong enough stock ng drinks kaya wag kanalang muna mag padeliver. Bigay ko rin sayo ang over all list nang mga mga alak na dapat bilhin si Mina ang gumawa nyan para sayo kanina bago kami mag hiwa hiwalay para alam mo kung ano ang mga dapat bilhin sa susunod. Calculate mo na din ang pera kong uusad ba tayo sa presyo nang items natin para may idea kung may pumapasok bang pera sa atin o nag sasayang lang tayo nang oras.” Mahabang sabi nito sa akin.
“Okey ako na bahala dyan. Paalis na ako dito sa bahay don nalang tayo magkita kita sa bar.”
“Ang aga pa mamaya pang 6.30 papasok ang mga tauhan natin. May problema nanaman ba?” Tanong nito sa akin na may himig nang pag aalala.
“Wala naman.” Matipid kong sagot dito.
“Ikaw talaga. Okey ako na bahala sa dinner mo dadalhan kita nang linuto kong ulam im sure magugustohan mo to. Sabay sabay na rin tayong mag dinner sa bar mamaya bago tayo mag open.”
“Okey salamat Tonet. Sige alis na ako dito kita nalang tayo doon.” Sabay pindot ng end call.
Agad akong lumabas nang bahay na hindi manlang nag papaalam kay mama. Ayaw ko mang magtampo pero di ko maiwasan. Kung ibibigay ko sa kanya ang perang makukuha ko paano naman ang pangangailangan ko kung lahat nalang na may roon ako ay kukunin nang magaling nyang asawa. Pinaandar ko ang motor ko na binili sa akin ni mama nung 21st birthday ko. Siguro pampalubang loob nya iyon sa akin dahil binilhan nang magaling nyang asawa ang dalawang kapatid ko nang second hand na kotse dahil sila nalang daw ang walang kotse sa mga ka klase nila.
Dumating ako sa bar nang mag aala sais na. Kita ko ang mga papauwing studyante na nag tatawanan galing sa isang malapit na University. Nang may biglang natumawag sa akin.
Itutuloy:











Saturday, October 1, 2011

After All Chapter 03


Ito na po ang chapter 3 ng After all. Salamat sa mga nag cocoment na sila

Rover, Lilee (Mama bear), Rue (Flame dragon ni Recca), R. J, Khief, Mcfrancis, Pink 5ive (na talagang natuwa ako sa comment nya sa BOL), Jayfinap (Ang idol ko), Mars, Jay!:), Nasty Bi, Russ at sa mga Silent Readers ko sana mag iwan naman kayo ng comment sa susunod.. :)
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


Habang pinag masmasdan ko ang papalayong sasakyan ni Rome. Unti-unti namang pumapatak ang mga luha ko. Mga luha nang panghihinayang at kasawian. Alam ko na nung oras na binuhat ko si Ace para isakay sa sasakyan ni Rome ay ang oras ng pagsuko ko sa nararamdaman ko sa kanya. Pero bakit ganito ka bigat ang nararamdaman ko hindi ba dapat masaya ako para sa kanya? Para akong unti unting pinapatay habang papalayo sa aking paningin ang pinaka unang taong pinahalagahan ko.
Nasa ganun akong posisyon nang biglang may tumapik sa aking likod. Napa lingon ako sa gawi nya. Kita ko ang pagkabigla nito nang makita ang mga luhang umaagos pa rin sa aking mga mata.
“Okey ka lang ba?” Ang tanong nito sa akin na may pilit na ngiti sa kanyang labi. Tango lang ang naisagot ko sa kanya dahil natatakot akong mag salita sa pagkat alam kong sa oras na ibuka ko ang aking bibig ay kasabay nito ang paglabas nang lahat ng emosyon na aking pinipigilan.
“Wanna go somewhere so we can talk about it?” Tanong nito sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa kanya. Ayaw ko nang bumalik sa loob sa pagkat nahihiya akong makita nang mga kabarkada ko ang kalagayan ko. Ayaw kong kaawaan nila ako. Sa paningin nila ako ang taong hindi nag papaapekto sa problema. Ako ang taong lahat ng problema ay ginagawang biro. Pero ngayon hindi ko na alam kong ako paba iyon. Parang biglang bumalik ang sakit nung panahon nung mawala ang pinaka mamahal kong ama. Ang nagiisang taong nagpakita sa akin nang tunay na pagmamahal.
Pumasok muna sya sa loob para magpaalam sa mga kasama nya. Ako naman ay naiwan sa labas habang naglalakbay ang aking isip sa kung saan. Hindi ako makapag isip nang matino dahil sa sobrang sakit nang nararamdaman ko.
“Lets go?” tanong nito sa akin nang makalabas sya. “Doon ang kotse ko.” Sabay turo nito sa isang pulang kotse na nakapark sa kabilang kalsada.
Para akong puppet na sunod sunuran sa kanya. Siguro dahil gusto kong mailabas ang sakit na nararamdaman ko.
Tinahak namin ang isang pamilyar na daan. Hindi ko mapigilang muling maluha sa mga ala-alang pilit na sumisiksik sa isip ko. Mga ala-alang gusto kong kalimutan at matakasan pero sadya atang mapag laro ang tadhana. Dahil sa dinami dami ng pwedi naming puntahan ay sa bar pa kung saan una kong dinamayan si Ace.
Nang ma i-park nito ang kanyang sasakyan muli itong nag salita.
“Someone told me that a man speaks his heart out when he is under the spirit of liquor.” Sabi nito habang tinatanggal ang seat belt nya.
“Kaya mag lalasing tayo ngayon para mailabas mo yan.” Dagdag pa nitong wika. Sabay labas sa kanyang sasakyan. Ako naman ay naiwan sa loob na parang nag alalangan kong tama ba ang ginagawa kung to. Ang sumama sa isang taong hindi ko kilala.
Siguro na pansin nito ang pag aalangan ko kaya naman sya na ang nag bukas ng pintuan para sa akin sabay sabing.
“C’mon im sure makakatulong ito sayo. Don’t worry harmless ako.” Wika nito na may ngiti sa labi.
Sumunod nalang ako sa kanya papasok sa loob. Hindi matao ang bar na iyon kaya naman agad kaming nakahanap ng pwesto na malayo sa mga taong pweding makarinig sa amin. May pagtataka man kung bakit ginagawa nya ito ay pinili ko nalang manahimik. Go with the flow. Yon ang nasabi ko sa aking sarili nang makaupo ako.
“Ano ang gusto mong inumin?” Tanong nito sa akin nang makalapit sa amin ang waiter.
“Chivas.” Matipid kong sagot sa kanya.
“Chivas?? Sigurado ka? Ang sabi ko mag lalasing lang tayo hindi ko sinabing mag pakamatay ka.” Nag aalala nitong sabi sa akin nang marinig ang pinili kung inumin.
“Don’t worry I can pay with my own drinks at hindi mo kargo kung mamatay man ako dito.” Malamig kung tugon sa kanya.
“Wala namang problema kung ako ang magbayad ako naman ang nagyaya diba? Ang sa akin lang masyadong malakas ang chivas tapos nakainum kana.” Sagot nito sa akin.
“Dinala-dala mo ako rito tapos ngayon papakialaman mo ang gusto kong inumin at bakit ka ba apektado?”
Wala na itong nagawa. Tumingin ito sa waiter sabay sabing. “Make it two.”
Habang hinihintay namin ma i-server ang inorder naming inumin pareho lang kaming tahimik. Walang may gustong mag salita. Para naman akong na guilty sa naging attitude ko sa kanya.
Dumating ang inumin namin at agad ko itong tinunga at inubos ang laman nito. Napapikit ako dahil sa init na dulot nito sa lalamunan ko.
“Isa pa.” Sabi ko sa waiter. Na bigla ito nang makitang wala nang laman ang iniinum ko.
“Red right? Why don’t we transfer don sa bar counter nila para malapit tayo sa barista.” Suhestyon nito. Naawa siguro sa waiter.
“Ayaw ko don.” Matipid kong sagot sa kanya. Tumingin naman ito sa waiter at tinanguan nalang.
Mga isang minuto ata ang lumipas nang makabalik ang waiter na may dalang apat na shots ng Chivas.
“Para di na sya pa balik-balik.”
“Diba ikaw yung pinsan ni Ace? Are you flirting with me?” May panunuya kong tanong sa kanya.
“Yes Im Dorwin Nivera and No im not flirting with you.” Sagot nito sa akin.
“So bakit mo ginagawa ito?” Tanong ko sa kanya sabay tunga ulit nang pangalawang shot ng chivas.
“No reason at all. I just thought that you need someone to talk to kaya kita linapitan.”
Bigla akong natahimik sa sinabi nya.
“Kanina ko pa napapansin nung nasa bar palang tayo na may mabigat kang pinag dadaanan at nung makalapit kami ni Ate Claire sa inyo napatunayan kong tama nga ako. Kita sa mga mata mo ang lungkot habang kumakanta ka.”
“Pakialamero.” Ang tanging nasambit ko sabay tunga ulit nang pangatlong shot.
“Hindi naman sa ganun. Ganyan din kasi kalungkot ang mga mata ko 2 months ago.” Sabi nito at tinunga rin ang baso nya. “Wow! Ang lakas talaga nang tama nito!” Wika pa nito habang nakapikit at nangungunot ang mukha sa pait at init na dulot nang alak.
Hindi ako nag bigay nag reaksyon sa sinabi nya sa halip pinag patuloy ko ang pagpapakalunod sa alak. Alam kong nasa byahe na ngayon si Ace at Rome at maya-maya lang mag uusap na sila at mag kakaayus mawawala nanaman ako sa eksena.
Napakuyom ako nang aking kamao sa mga naisip ko. Bakit ganito? Bakit si Ace pa ang taong nagpatibok nang puso ko? Sana sa babae nalang ako nahulog para atleast alam ko kung papaano dideskarte. Nag pupuyos na wika ko sa sarili.
“Ang sakit.” Ang di ko mapigilang masabi dahil parang sasabog na ang puso ko sa bigat nang nararamdaman ko.
Walang salita na lumabas sa bibig ni Dorwin. Nanatili lang itong tahimik habang nakatingin sa akin. Siguro gusto nitong mailabas lahat ng hinanakit ko.
“Sobrang sakit. Kung sana nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko nung maaga palang, sana akin sya ngayon.” Muling dumaloy ang masaganang luha sa aking mga mata.
“Kung hindi sana ako naging duwag noon masaya sana kami ngayon.” Napahagulhol ako sa sobrang pagsisisi.
Kita ko ang awa sa mga mata ni Dorwin para sa akin pero pinili nitong manahimik at makinig.
“Stupid! Stupid!” sabay pukpok ko sa aking ulo. Agad na tumayo si Dorwin at inawat ako.
“Hey tama na. Everything will be alright.” Habang hinahawakan nya ang dalawa kong kamay para mapigilan ako. Wala na akong pakialam sa mga taong nakatingin sa amin tama nga si Dorwin nakatulong nga ang alak para mailabas ko lahat ng sama ng loob ko sa sarili ko. Tama, galit ako sa aking sarili dahil kung sana hindi ako naging duwag masaya sana ako ngayon.
“Relax lang pinag titinginan na tayo nang mga tao.” Sabi pa nito sa akin.
“Wala akong pakialam sa kanila.” At marahas kong hinablot ang kamay ko sa pagkakahawak nya sabay tunga ulit nang shot.
Bumalik sya sa pag kakaupo na napapailing.
“Si Ace ang tinutukoy mo di ba?” Ininum nito ang natitirang laman ng sa baso nya. “Tama ka ang tanga mo.” Dagdag pang wika nito.
Napatingin ako sa kanya na magka-salubong ang kilay.
“Tanga ka dahil di mo pinag laban na raramdaman mo. Tingnan mo sarili mo ngayon nakakaawa ka.” Sabi pa nito na ikinapintig nang tenga ko.
“Wala kang alam kaya wag kang mag marunong.” May diin kong sabi sa kanya.
“Talaga? Ano ba dapat kong malaman aside from the fact na duwag ka?” At tumawa ito nang mahina.
“Hindi mo alam kung ano ang mga sinakrepisyo ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya!” May kalakasan ko nang sabi sa kanya.
Pero isang hindi naniniwalang tingin ang ibinalik nya sa akin.
“Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin makita ang saya sa kanyang mga mata kaya gumawa ako nang paraan para maibalik ang saya na meron sya noon. Kahit alam kong masasaktan ako ginawa ko pa rin dahil ayaw kong nakikita syang malungkot.” At muli na naman akong napaiyak. Ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing bumabalik sa akin ang panghihinayang napapaiyak ako. Siguro ganun talaga ang tao. Napapaiyak nalang tayo dahil alam nating kahit anong gawin natin hindi na natin maibabalik ang panahon –Hopeless.
“Akala ko madali lang. Akala ko kung magagawa ko yon mawawala na itong nararadaman ko. Pero bakit? Bakit ang sakit?” Para ko nang batang tanong sa kanya.
“Dahil totong minahal mo sya.” Mahinahon nitong sabi sa akin. “Bilib ako sayo dahil nagawa mo yon. Pero hindi mo agad-agad na matatangal sa puso mo ang pinsan ko. Let time help you recover.”
Hindi na ako muling nagsalita pa. Unti-unti na kasing umiikot ang paningin ko sa pinaghalong kalasingan at sama nang loob. Naka yuko lang ako sa aking kinauupuan habang patuloy na pumapatak ang masaganang luha ko. Hangang sa maramdaman ko nalang na inaalalayan na ako ni Dorwin na tumayo. Alam ko pa ang nang yayari pero kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko ay hindi ko magawa.
Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ni Dorwin. Wala na akong lakas para mag tanong sa kanya dahil sa sobrang hilo at kalasingan. Habang nasa byahe si Ace pa rin ang nasa isip ko. Kung kumusta sya at kung nasaan na kaya sila. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip sa kanya.
Naramdaman kong may nag pupunas sa katawan ko. Umiikot parin ang paningin ko sa sobrang kalasingan. Pilit kong inaninag ang taong gumagawa non sa akin.
“Ace?” Ang mahina kong sambit sa pangalan nito.
Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Hindi naman sya gumalaw o tumutol sa ginawa ko kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at binigyan sya nang isang halik na puno nang pag mamahal. Sa una ay parang nagulat sya sa ginawa ko at hindi lumaban pero nang lumaon gumanti na sya nang halik sa akin.
“Ace mahal na mahal kita.” Wika ko nang mag hiwalay ang aming labi. Wala akong narinig na sagot sa kanya.
Hinalikan ko sya ulit para ipadama sa kanya kong gaano ko sya ka mahal na ginantihan naman nya nang halik na may pagnanasa. Nag lakbay ang kanyang mga kamay sa buong kong katawan. Kakaibang sensasyon naman ang aking nararamdaman mas lalong umiinit ang aking pakiramdamn sa mga haplos ni Ace. Dahan dahan nitong tinangal ang batones ng suot kong pantalon habang hindi parin kami tumitigil sa aming halikan. Ang sarap nang labi ni Ace ang lambot.
“Ace ..” Ang hindi ko natapos na sasabihin dahil sa ibayong sarap na aking naramdaman nung dinilaan nya ang kaliwa kong utong. Napapaungol nalang ako sa ginagawa nya. Palitan ang ginagawa nyang pag lalaro dito. Hindi ko mapigilang mapaliyad nang bumaba pa sya at biglang sinubo ang kanina pang nag hihintay na aking sandata.
Halos mabaliw ako sa ginagawa nito sa akin. Hindi ko akalain na magagawa ito ni Ace hindi naman kasi nya ginawa ito dati. Ibayong saya ang aking naramdaman sa ginagawa nito.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang marating ko ang sukdulan. Hinila ko sya pabalik at binigyan nang isang mapagmahal na halik.
“I love you Ace..” At tuluyan na akong nakatulog sa pagod at pagkahilo.
Itutuloy:












Friday, September 30, 2011

King Of Hearts










Stressed na naman. Buwisit kasing mga customer
ko walang ginawa kundi magalit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko
itinuloy ang Architecture. Architecture ang kinuha ko sa kolehiyo
subalit matapos ng 2 taon ay huminto ako, sa dahilang wala ang puso ko
sa kursong iyon. Mataas naman ang grades ko pero tinatamad talaga ako.
Anyway, ayun na nga, dahil sa di ko tinapos yung kurso ko eh sa Call
Center ang bagsak ko.







Pagkalabas
sa trabaho ay dumeretso ako sa crossing upang magrent at maglaro ng
Ragnarok upang duon ilabas ang stress ko. High Wizard ang character ko
at masayang pumatay ng maramihang monster gamit ito sa kabila ng marupok
na buhay nito. ~Qu33nOVh3@rts~
ang name ng char ko. Oo, isang babae ang character ko, chixilog o chix
na may itlog kung tawagin. Dahil nga marupok ang buhay ay kailangan ko
ng kaparty. Nagpunta ako sa tambayan ng mga naghahanap ng kaparty at may
nakita akong naka-pub “NPM>Devotion type here.” KingOfHearts™
ang name ng char nya, pumasok ako sa pub nya at nalaman kong Paladin
pala siya (Devoton ay skill ng Crusader na kung saan pinoprotektahan
niya ang ka-party at siya ang sasalo ng lahat ng damage. Paladin ang
advanced class ng Crusader, mas malakas kung baga.) Perfect na kaparty
ito para sakin. So hayun nga nag-party kami at nagpunta sa Magma
Dungeon. Usap-usap kami habang nagpapalevel. Tinanong nya kung babae
talaga ako, sinabi kong hindi, gusto ko lang ng babaeng character kasi
sexy mga female mage class. Natawa siya at sumang-ayon. Matapos ng 2
oras ay nagpaalam na ako, nagpalitan kami ng number para magkausap kung
kailan kami magpaparty ulit. Umuwi na ako pagkatapos nun.








Toot toot!








Tumunog ang cp ko a tinignan ang dumating na mensahe. Galing kay KingOfHearts™.





Tnx nga pla s pt ha? Nkauwi knb?





ok lng, tnx dn ha? yep! kakauwi q lang. kw b?





Sa bhy lang me play.





waw yaman my pc!





D nman po :) Ano pla ril nme mo?





nat short 4 nathaniel. kw?





Garry short 4 garry :P





adik!








At
hayun palitan ng text, pero kung kanina sa game ay puro sa in-game mga
usapan namin, sa text ay iba, puro mga personal. Panatag naman ako, as
long as huwag niya itatanong ATM PIN ko diba? Hehe.








Ganun
ang naging routine ko, pagtakatapos sa work maglalaro kami ng Ragnarok,
pagkauwi magtetext kami hanggang makatulog ako. Tuwing pagkagising ko
ay laging nandiyan ang “Good Morning” niya kahit na gabi na.
Hindi ako mahilig magtext dati dahil sa mga walang kwenta katext mga
nakakatext ko, inis na inis ako lalo na kapag magrereply sila ng “hehe…” o kaya ay “ok” at lalu na kung smiley lang. bat nagtext pa sila diba? Pero iba si Garry, laging may sense kausap.








Minsan,
dayoff ko ay tumawag siya. Maliit ang boses nya, parang sa bata.
Tinawanan ko siya kasi naman matanda siya ng isang taon sakin, 21 ako at
22 na siya pero ang boses nya parang sa elementary. Sa kakatawa ko eh
nainis yata, bigla siyang kumanta ng ilang lines sa “Maybe”
ni Jimmy Bondoc. Napatulala ako pagkarinig sa singing voice nya,
malamig na parang hinehele ka, pero at the same time ay mainit na parang
isang yakap na nakakarelax.








Grabe ka! Ganda ng boses mo! Choir ka ba?





Hindi, mahilig lang talaga ako kumanta.





Ahh.. Minsan kita tayo, kantahan moko sa Quantum.





Ayoko, nahihiya ako.





Sa cubicle lang, para ako lang makarinig.





O sige.





Ngayon na, pwede ka ba?





Oo, wala din ako gagawin eh.








So
hayun, naligo ako, nagbihis, nagpabango at lumarga na ako papunta sa
mall na napag-uasapan. Nakaupo lang ako sa stairs sa harap habang
nagyoyosi. May kumalabit sakin at napalingon ako, ilang beses ako
kumurap pagkakita sa kanya.





Garry?





Oo, ikaw si Nat?





Oo ako nga. Grabe, 22 ka na ba talaga?





Oo naman. Bakit?





Muka kang high school!








At
nagtawanan nalang kami. Di siya gwapo pero sobrang cute nya. Makinis,
maputi, medyo payat at mas maliit sakin. 5’5” lang siguro sya
samantalang ako 5’8”. Pakiramdam ko eh ibinigay talaga siya ng langit
sakin kasi naman perfect sya para sakin. Ayoko kasi ng bato-bato, gusto
ko yung katulad ni Garry, parang babaeng walang boobs ang katawan pero
hindi babakla-bakla kumilos. Kabaligtaran ng character nya sa game na
macho at tigasin. Haha..








Hayun pumunta kami ng Quantum at kinantahan nya ako. Pinaka fave ko sa mga kinanta nya eh “This I Promise You”
ng NSYNC, bagay na bagay ang boses nya sa kanta. Matapos nun eh
nagpunta kami ng Netopia para maglaro. Naging masaya ang dayoff ko dahil
sa kanya.








Lumipas
pa ang mga araw eh naging lalo kaming malapit, lagi rin kami nagkikita
hanggang sa niligawan ko siya. Sa una eh ayaw nya, pero dahil na din sa
pursigido ako eh napapayag at napasagot ko siya. Ipinakilala nya ako sa
mommy nya bilang bestfriend nya.








Nagpasya
kaming sa apartment ko siya tumuloy tutal malapit lang din sa work nya
ang apartment ko. Naging masaya ang pagsasama namin at tumagal kami ng 3
buwan. Lagi akong nasa tabi niya, nakaakbay at ipinaparamdam sa kanya
na safe siya basta kasama ako, kabaligtaran sa game na siya ang
pumoprotekta sa akin. Malambing siya, lagi siyang nakayakap at lagi
kaming nagnanakawan ng halik kahit ba nasa public place kami. Sa kabila
nito ay isa lang ang ‘di namin ginagawa, ang magtalik.








Ilang beses ko na siyang inaya subalit lagi nyang sagot eh “Hindi pa ako handa.”
Isang araw ay niyakap ko siya habang naghuhugas siya ng pinagkainan
namin, inaya ko siyang muli, at as expected eh yun pa rin ang linya
niya. Nagtampo ako, “Kung ganyan ka lagi baka humanap ako ng iba nyan.” sabi ko sabay umupo ako sa sofa at binuksan ang tv.





Tahimik.





“Kung gusto mo talagang magparaos, sige humanap ka ng iba. Hindi ako magagalit.” Pagbasag niya sa katahimikan subalit hindi man lang ako nilingon. Naroon pa rin ang lambing ng boses nya.





Nainis ako sa narinig, “Ipinamimigay mo na nga ako?”
pasigaw kong tanong. Hindi siya sumagot. Pinatay ko ang tv at
ibinalibag ang remote sa sofa at padabog na nagtungo sa kuwarto. Nahiga
ako sa kama ng masama ang loob.








Ilang sandali lang ay pumasok na siya at humiga sa tabi ko, niyakap niya ako, “Sorry kung hindi pa ako handa. Kung kailangan mo talaga magparaos, pwede kang maghanap ng iba, di ako magagalit.” pag-amo nya sakin.








Lalu
akong nabuwisit sa mga narinig ko. Ang nais kong marinig eh mag-sorry
sya sa sinabi nyang pwede akong maghanap ng iba, pero kaysa magsorry eh
inulit pa niya. Nakakainis! Pininamimigay na nga nya ako.








Bumangon
ako at lumabas ng kuwarto, tuloy-tuloy hanggang makalabas ng bahay.
Naglakad-lakad ako hanggang makarating sa isang park. Naupo ako duon at
inaliw ang sariling masdan ang mga taong naglalakad. Biglang may tumabi
sakin, nakangiti sakin. Malakas nag kutob ko na katulad ko siyang bi
sapagkat madalas niyang iangat ang tshirt nya, ipinapakita ang abs nya
habang hinihimas ito. Nawirduhan ako sa taong ito, akala naman niya
maaakit ako sa abs nya eh payat nga ang type ko. Sa wakas ay huminto ito
sa ginagawa niya, napansin nya siguro na walang epekto sa akin..








Hi.





Hello.





Mag-isa ka lang?





Oo.





Anong pangalan mo?




Nat.





I’m Marvin.








At
nagkamay kami. Nag-usap kami ng kung ano-ano hanggang sa magpag-usapan
namin ang problema ko. Naintindihan naman niya ako. Nagpalitan kami ng
number at nagpaalamanan na. Umuwi ako ng di ko pinapansin si Garry.








Lumipas
pa ang mga araw ay lagi kong naririnig sa kanya yung mga linya nyang
kinainisan ko, lalung lumamig ang pakikitungo ko sa kanya, na
kabaligtaran naman kay Marvin. Naging malapit kami hanggang sa nagkaroon
kami ng lihim na relasyon.


Isang araw habang nagdedate kami ni Marvin ay di ko inaasahang makita kami ni Garry.


Lumapit siya na may blangkong mukha, di ko alam kung galit sya o kung ano. Pinatalikod iya ako at niyakap ako. “Mahal na mahal kita, maiintindihan mo rin ako pagdating ng panahon.” Yan ang mga katagang binitawan niya bago niya ako hinalikan sa pisngi at tuluyang pinakawalan ako sa yakap niya.








Gusto
ko siyang habulin subalit mas nanaig ang pride ko. Ito ang gusto niya
diba? Bahala siya sa buhay nya. Hinawakan ko ang kamay ni Marvin,
hingpitan naman niya ang pagkakahawak ng mga kamay namin.Naging panatag
ako sa ginawa nya.








Umuwi
ako pagkatapos ng date namin ni Marvin. ‘Di ko dinatnan si Garry,
malamang ay nageemote yun sa kung saan at ‘di pa umuwi. Maliligo na sana
ako para makatulog na, binuksan ko ang cabinet at nakitang kalahati
nalang ang mga damit na nandoon. Tinignan ko ang maleta ni Garry sa
ilalim ng kama subalit wala na ito. Bigla akong binalutan ng takot.,
takot na iniwan na ako ni Garry. Tinignan ko ang buong silid at wala na
akong makitang gamit niya. Tinawagan ko ang CP nya subalit hindi niya
sinagot. Sinubukan ko uli, ganun pa rin. Sa ikatlo ay out of coverage
area na.








Tinawagan
ko ang CP ng mommy nya subalit katulong ang sumagot. Malamang ay
nakadivert sa bahay ang incoming calls nya. Sinabi ng katulong na
nagpunta ang mag-ina sa airport at malamang daw ay nakalipad na ang
eroplano.








Nanginig
ang buong katawan ko sa mga sandaling iyon, sa sobrang galit at lungkot
ay ibinato ko ang CP ko sa pader, ang fragments naman ng nawasak na CP
ay tumama sa LCD screen ng PC na dahilan ipang mabasag din ito. Nagulat
ako, angmahal nun! Bakit ko ba yun ginawa? Nataranta na ako. Sinisisi ko
si Garry kung bakit nangyari ito, kung hindi sa pag-iinarte nya eh
hindi mangyayari ang lahat ng ito.








Iyak
lang ako ng iyak nang maalala ko ang luma kong CP. Kinuha ko yung SIM
ko sa sumambulat na CP at knuha ko ang luma kong CP sa cabinet. Nakatali
ito ng goma dahil sa kalumaan. Isinaksak ko sa charger at tinawagan si
Marvin.








After 20 mins dumating na si Marvin. “Anong nangyari?” tanong nya. Sa halip na sumagot ay siniil ko sya ng mariing halik habang umiiyak. Itinulak niya ako pero di ako bumitaw. “Itataboy mo rin ba ako?” tanong ko. Mula sa gulat ay nabakas sa mukha ni Marvin ang awa. Siya na ang humalik sa akin.





Pinunit
ko ang t-shirt nya at ibinaba ko ang pantalon at brief nya. Naghubad na
rin ako at walang sabi-sabi’y pumatong ako sa kanya ay ipinasok ang
aking alaga sa likuran nya. Walang pampadulas at bakas sa mukha nya ang
sakit subalit tiniis nya ito. Dito ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.








Matapos ng ginawa namin ay tulala pa rin ako. Niyakap nya ako at sinabing “Hayaan mo na siya, malaya ka na. nandito naman ako para sa’yo.”








Itinulak ko sya at sinigawan, “Mahal ko siya, parausan lang kita!”








Bigla nya akong sinapak at sinikmuraan. Matapos nito ay dinuraan pa ako at sinipa. “Mamamatay ka rin!”
sigaw niya bago lumabas ng silid. Naiwan akong nangungulila sa mga
haplos at lambing ni Garry. Sising sisi ako sa mga ginawa ko. Pero huli
na.








Ipinagpatuloy
ko ang buhay kahit mahirap. Pansin din ng mga kaibigan ko na lagi akong
malungkot kaya pinilit nila akong mapasaya. Gimik dito, inom dun, party
dito, one night stand dun. Lahat ng pagpapakasasa upang makalimutan si
Garry ay ginawa ko. Ngunit sa kabila ng mga halakhak ay nanatili ang
pangungulila ko sa kanya.








Tatlong
taon ang lumipas, papasok na ako sa trabaho. Dumaan ako sa kalsadang
araw-araw kong dinadaanan. Napansin ko ang isang lalaki roon na
naninigarilyo. Pamilyar ang mukha niya sa akin. Pumasok siya sa loob ng
chapel. Di ko alam subalit parang may puwersang nagtulak sa aking mga
paa upang pumasok sa chapel.








Pagpasok
ko ay napansin kong may nakaburol doon. Iginala ko ang aking paningin
at nakita kong muli yung lalaki na nakaupo sa harap, lumingon siya sa
akin na bakas ang pagtataka sa mukha. Binulungan niya ang babaeng katabi
na nakaitim, marahil ay itinanong kung sino ako.








Paalis
na sana ako nang marinig kong tinawag ang aking pangalan. Luminon ako
at nakita ang babaeng nakaitim na papalapit sa akin. Nakilala ko ang
babae, siya ang mommy ni Garry! At yung lalaki kanina ay kahawig ni
Garry!








“Mabuti naman at nadalaw ka. Paano mo nalamang dito siya ibinurol?” tanong ng mommy ni garry sa akin. Hindi ko naman siya maintindihan kung kaya “Po?” lang ang naisagot ko.








Nilingon
ko ang kabaong at doon ko lang napansin ang letrato na nakapatong dito,
letrato ni Garry. Nanginig ang katawan ko sa mga sandaling yon.
Maraming katanungan ang gumulo sa isip ko.








Ano pong ikinamatay niya?





Tigdas.





Tigdas? Paanong nangyaring ikamamatay niya ang tigdas? At kung tigdas lang eh bakit kailangan pa nilang umalis ng bansa?





“Paano pong tigdas ang ikinamatay niya?”





“Hindi mo pa nga pala alam.”





“Ang alin po?”





“Kilala
mo naman ang kaibigan mo, gagala yan kahit mag-isa. Minsang nanood siya
ng sine ay may naramdaman siyang masakit na tumusok sa tagiliran nya.
Nang lingunin niya ang nasa tabi niya ay napansin niyang isang syringe
ang itinusok ng katabi nya sa kanya. Sinuntok nya yung lalaki na umalis
naman kaagad. Di na niya pinansin pa iyon matapos ng pangyayari. Pero
minsang napansin naming ang simpleng sipon ay tumatagal ng ilang linggo
ay nag-alala na kami kaya pina checkup namin sya. Duon namin
napag-alamang HIV positive siya.





Naging
malungkutin na siya mula noon. Laging nagkukulong sa kuwarto at di na
gumagala kahit may mag-aya sa kanya. Nagbago lang ito nang makilala ka
niya, dahil sayo bumalik ang dating ugali ng anak ko. Masayahin at
punong puno ng pag-asa.





Di
ko alam kung anong nangyari sa inyo pero bigla siyang umuwi tatlong
taon na ang nakakaraan at ipinakiusap sa akin na magpunta kami ng
London. Duon nagpatingin siya sa iba’t ibang doktor, umaasang may nakita
ng gamot sa sakit nya subalit wala. Dinapuan siya ng iba’t ibang sakit,
at ang pinakamalala ay ang tigdas.”








Tumayo ako mula sa kinauupuan at nilapitan ang kabaong ni Garry. Napaluhod ako at nagsisigaw ng “Patawad Garry.. Hindi ko alam… Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin? Mahal na mahal kita… Paano na ako ngayon?” habang yakap-yakap ang kabaong ng aking mahal.








Nilapitan ako ng kahawin ni Garry, “Hiniling ni kuya na dito siya iburol upang malapit daw sayo. Mahal na mahal ka ni kuya.” Inalalayan niya akong tumayo at muling nagsalita. “Tahan na, hindi matutuwa si kuya kapag nakita ka niyang ganyan. Magpakatatag ka.”





Pinilit kong magpakatatag. Inayos ko ang aking sarili at umupo sa tabi ng mommy at kapatid ni Garry.








“Alam
ko ang namagitan sa inyo ng anak ko. Labag man sa loob ko’y hinayaan ko
nalang kayo, dahil nakita kong masaya siya sayo. Sana kung ano man
pinag-awayan nyo dati ay mapatawad mo ang anak ko. Mahal na mahal ka
niya.”
sabi ng mommy ni Garry habang halos maiiyak uli.








Nawalan
na ako ng ganang pumasok, napagpasyahan kong umuwi muna upang magbihis
at para iuwi na rin ang aking gamit. Sa aking paglalakad ay napadaan ako
sa mga nagtotong-its sa kanto. Sa di malamang dahilan ay lumakas ang
hangin ay nilipad ang mga barahang nakapatong sa mesa nila. Nilapad ang
ilan sa mga baraha sa aking harapan na lahat ay nakataob, maliban sa
isang baraha… ang King of Hearts…








Sa
kabila ng pagpapakita kong astig ako, na pinoproteksiyunan ko siya
noon, ay kabaligtaran pala ang nangyari. Tulad ng character niyang si KingOfHearts™
ay ininda niya ang lahat ng pahirap, huwag ko lang pagdaanan ang mga
pahirap na yun. Sa kabila ng pangungulit kong makipagtalik siya sa akin
ay pinili pa rin niyang maghanap ako ng iba kaysa mahawa ako sa sakit
niya, kahit masakit sa kanyang makita ako sa piling ng iba. Ganun nya
ako kamahal…








Pinulot ko ang baraha at itinapat sa aking dibdib…







“Mahal din kita… Garry…”

















WAKAS











*Note: ang kuwentong ito ay bunga lamang ng isang bangungot :D

*Image: Ragnarok Crusader